16: Confessed

690 41 17
                                    

CHAPTER 16: Confessed

Yulo’s Point Of View

Ilang minutong katahimikang nabubuo sa pagitan namin ni Ice at napagtanto kong nakatulog na pala siya. Hindi ko na alam kung ano na ang oras pero halatang gabi na dahil sa dilim at patuloy na pag-ulan. Nakayakap pa rin ako kay Ice. Nanginginig pa rin ang katawan niya lalo na kapag kumukulog. Nagre-react ang katawan niya sa pagkulog, gano’n siya katakot sa kulog at kidlat kaya pala nag-aaalala masyado si Kuya Levi sa kanya.

“Napakaswerte mo Ice at may kaibigan kang nandiyan sa tabi mo.”

Masyado siyang malungkot. Alam kong hindi madali ang pagkukwento lalo na kapag masasakit itong nakaraan na gusto ng kalimutan. Patay na ang papa ni Ice idagdag mo pa ang pag-iwan ng mama niya sa kanya at sumama sa ibang pamilya ng hindi man lang isinama si Ice. Kung ako ang nasa kalagayan ni Ice ay tiyak na magagalit ako lalo na kapag biglaan ang pag-iwan.

“Y-Yulo, ayos lang ba kayo?”

Ngumiti ako kay Kuya Levi na kararating lang. “Opo, Kuya. Ang problema nga lang ay nakatulog si Ice dahil siguro sa kakaiyak at sa takot.”

Malungkot na ngumiti si Kuya Levi saka pinasan si Ice. Mabuti na lang at magkasing tangkad lang sila saka may malaki ring katawan si Kuya Levi pero kahit na nabibigatan siya kay Ice ay pinilit niya pa ring tumayo kaya kinuha ko ang payong at pinayungan sila.

Habang naglalakad kami ay ang mahabang katahimikan ang nanaig hanggang sa makarating kami sa kwarto ni Ice kaya maingat niya itong inilapag saka kinumutan. Napabuntong hininga si Kuya Levi habang nakatingin kay Ice na ngayon ay natutulog ng mahimbing.

Magpapaalam na sana ako pero naunahan ako ni Kuya Levi na magsalita. “Ang totoo ay isang linggo na siyang hindi nakakatulog.”

Isang linggo? Agad akong napatingin kay Ice na ngayon ay mabibigat na hininga ang inilalabas niya. Kaya pala kanina ay pagod na pagod ang mga mata at katawan ni Ice.

“Noong isang linggo ay nagkakaroon siya ng masasamang panaginip kaya mas gustuhin pa niyang hindi matulog kaya ’yon ay nasanay na pero nakakatulog siya kapag may kasama. Ang kaso nga lang,” pabitin na kwento ni Kuya Levi saka napakamot sa batok, “ay minsan ayaw niyang magpasama.”

Ayaw niyang magpasama? Siguro, ayaw ni Ice na magmukhang mahina sa harap ng isang tao. Kagaya kanina na parang natatakot siyang nakatingin ako sa kanya.

“Pwede ka ng bumalik sa kwarto mo, Yulo. Ako na ang magbabantay sa kanya. Maraming salamat.”

Malawak na nakangiti si Kuya Levi sa akin kaya ngumiti rin ako. Ano ba ang silbi ng pagkakaroon ng kasamahan kung hindi naman nagtutulungan, ’di ba?

“Walang-anuman, Kuya Levi. Kapag nagkaproblema ay pwede mo akong tawagan.” Tumango siya kaya iginaya ko na ang mga paa ko papalabas sa kwarto.

“What happened?”

Dali-dali akong napabalik sa loob nang marinig ko ang sigaw ni Kuya Levi. Kitang-kita ko ngayon ang mga mata niyang nag-aala habang may kausap sa cellphone. Hindi pa niya napapansin ang presensiya ko. Napasambunot siya sa buhok saka napatingin kay Ice at napamura.

“Kuya Levi?”

Napalingon siya at lumiwanag bigla ang mukha niya. “Y-Yulo!” Agad siyang lumapit at hinawakan ang magkabilang balikat ko. Ramdam na ramdam ko ang panginginig niya at kitang-kita ko ang malalamig na butil ng pawis na namumuo sa noo niya. “P-pwede mo bang bantayan si Ice? May pupuntahan lang ako sa ospital.”

Tumango ako kaya agad siyang nagpasalamat at umalis na. Nakatingin lang ako sa pintong kakasarado pa lang. Halatang nag-aaalala si Kuya Levi. Sana naman ay maayos lang ang madadatnan niya.

Blame it on the Rain - [BL]✓Where stories live. Discover now