Block 2

24.9K 825 105
                                    

Kpop fic po ito so yeah, there will be a lot of Korean names here hehe


※※※※※※※※※ 

 

[CIARA]

Ginising ako ni dad dahil kailangan ko na daw mag-enroll sa bago kong university. I sighed. Pang-ilang school ko na 'to? Pangatlo? Pang-lima? 

Di kalayuan ang university mula sa village. Pwede na ngang lakarin eh.


Malaki yung lugar - hindi maitatanggi na mayayaman ang nag-aaral dito. And just like most schools, may stereotypes, at iyon agad ang bumungad sa akin pagkapasok ko sa malaking gate. Better nang wala akong kaibigan kesa naman mapasali pa ako sa mga grupo dito.


Dumiretso ako sa enrollment window at napabuntong-hininga for the nth time nang napansin kong sobrang haba ng pila.


Mga ilang minuto pa lang ako nakatayo nang bigla akong nakarinig ng ingay sa di kalayuan, at napansin kong biglang bumilis ang lakad ng mga tao.


"OUCH!" muntik na akong mapaupo sa sahig nang biglang may bumangga sa aking isang babae.

"Wah! Sorry po, sorry po, sorry." Aalis na sana sya nang biglang tumahimik ang mga tao.


Napa-roll eyes na lang ako nang nakita ko ang ekspresyon ng mga tao sa paligid ko. Don't tell me na may mga kinatatakutan silang tao dito? Mga kinikilalang hari? How cliché can this school even be?!


Tumingin ako sa harapan ko at nakita ko ang pitong lalaki. Sh¡t, kilala ko sila ah, more specifically, kilala ko ang aura na dala-dala nila. Sila yung pitong lalaki na nakita ko sa kabilang side ng pader. Dito sila nag-aaral?


Nakita ko rin yung kumindat at nag-smirk sakin kagabi, pero this time, iba ang aura nya. Ang cold.. nakakatakot, to be exact.


"Baby Ji, you dropped your wallet." akala ko ako yung kausap nung may pinaka-maamong mukha sa kanila kasi sakin nakatingin.. yun pala sa likod ko. At doon ko lang napansin na nagtago na pala sa likod ko yung babaeng naka-bangga sakin kanina.


I moved aside para ipakita yung babae sa likod ko. I don't want to get involved in this mess, please lang.


Lumapit yung lalaking may maamong mukha na para bang isang inosente na pusa, at iniabot ang wallet sa babae.

Nanginginig naman itong kinuha ng babae at hinaplos ng lalaki ang pisngi nung babae.


Humingala ako ng malalim and shook my head in disappointment. Wala na talagang tao ngayon na inosente ang mukha at inosente din ang pagkatao.


"Don't run away from us next time, alright?" nakangiting sabi ng lalaki pero rinig dito ang pagkaseryoso ng boses nya.


Lumayo na sya sa babae before looking and smiling at me. Tinaasan ko lang siya ng kilay at umiwas  ng tingin. Nagulat siguro yung lalaki sa ginawa ko dahil ramdam kong nakatingin siya sa akin. Please, gusto ko lang ng tahimik na stay dito bago ako lumipat sa panibagong lugar.

Welcome to the BlockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon