※※※※※※※※※
[CIARA]
*BEEP BEEP*
"Anak!! Andito na mga kaibigan mo!"
"Oo!! Wait lang!!"
*BEEEEEEEEEEEEEP BEEEEEEEEEEEPPPPPPPPPPP*
Mapapatay ko 'tong si B-bomb sinasabi ko lang. Inayos ko ang aking buhok at naglagay ng kaunting makeup para naman hindi ako masyado magmukhang zombie.
Kasalanan 'to ni Minhyuk! Pilitin ba naman akong tapusin yung lahat ng episode ng Healer. Yan tuloy, naka-tatlong oras na tulog lang siguro yata ako.
But no regrets, ang hot ni Ji Changwook eh.
*BEEP BEEP BEEP BEEP BEEP BEEP*
ANAK NG!!!!
Pumunta ako sa aking bintana at sinilip sila sa baba. Nakita ko si Zico na nakasandal sa kanyang motor, si B-bomb na nakasandal sa labas ng kanyang kotse at nakangiting nakatingin sa akin, si Jaehyo na bored na nakasandal sa kanyang van, si Kyung at U-kwon na naglalaro ng jack en poy, si Taeil na pilit na binubuksan ang kanyang lollipop, si Jillian na kumakaway sa akin, at si P.O na patuloy ang pagpipindot ng horn ng manibela ng kotse ni B-bomb.
Napangiti ako at umiling.
Just a normal morning in this block.
Bumaba na ako papunta sa kusina at nakita si Dad na inaayos ang kanyang necktie.
"Good morning, CEO Jung." pabirong bati ko sa kanya at agad naman siyang napatawa at ginulo ang aking buhok.
Well, totoo naman na siya na ulit si CEO Jung dahil bumalik na sa kanya ang kompanya.
Dahil sa proof ni dad tungkol sa bank account details ni LJS, ang records and receipts na nakuha namin mula sa kanyang vault, ang iba pang information at illegal transactions na nakuha ni Jaehyo, at ang video recording na nakuha ni Zico, we won the case at nakulong na sa wakas si Lee Jung Seob.
Add to that na binack-up-an kami ng parents ni U-kwon which are the owners of one of the most successful law firms in the country.
Slowly but SURELY, nakikilala ko na talaga ang pito—ang family backgrounds nila, likes and dislikes, etc.
And honestly, there's no rush because I'm not going anywhere.
We chose to stay in this house dahil ayaw na akong palipatin ng school ni dad. At sa totoo lang, magmamakaawa ako na dito na lang kami kung sakali ngang naisipan niyang lumipat na naman kami.
My life is here. My friends are here.
My boyfriend is here.
Hinalikan ko na si Dad sa pisngi at dumiretso papunta sa pintuan.
"Tell them I'm bringing dinner later! Dito na ulit sila kumain!"
Napatawa ako ng mahina. Nako, mukhang magiging makalat na naman ang bahay namin.
"Okay!" sigaw ko pabalik.
"FINALLY!!" agad na sigaw ni P.O pagkalabas ko ng gate. Kailangan niyang tumigil sa pagsigaw dahil nakakayanig talaga ng mundo ang boses niya.
Agad akong tumakbo papunta kay B-bomb na naka-ready na with his arms spread wide para saluhin ako sa isang yakap.
Goshhhh, he smells reeeaaalllyyyyy good.
BINABASA MO ANG
Welcome to the Block
Adventure"Whatever you do, don't cross the border. Don't ever go to Block B."