Block 17

9.1K 357 83
                                    

Long and overwhelming update ahead lmao get ready ;)


※※※※※※※※※ 


[CIARA] 


"Wait, magkapatid kayo?" inilipat ko na lang ang atensyon ko kay B-bomb dahil mukhang wala akong makukuhang matinong sagot mula kay L.Joe. Bwisit siya.


Tumingin siya kay L.Joe, "Half. We're half brothers."


Ah. Magkapatid pa din yun!



Agad naman niyang ibinalik ang kanyang atensyon sa akin. Uh-oh, that serious look though. "Engaged kayo?"


I shook my head fiercely. "No." tumingin ako kay L.Joe, "NO. We we'rent engaged and we will not be engaged."


Nag-smirk si L.Joe na para bang ine-enjoy niya ang nangyayari. Argh, gusto ko na siyang suntukin!


Nag-clap siya ng isang beses at biglang inakbayan si B-bomb, "Pumasok ka na, Ciara. Hinihintay ka na ng dad mo." Tumingin siya kay B-bomb, "At ikaw! Tara, madami pa tayong kailangang pag-usapan. Catch up on each other's lives, bro!"


Bago pa maka-react si B-bomb, hinatak na siya sa paglalakad ni L.Joe. Nilingon ako ni B-bomb mula sa balikat niya at nag-phone sign gamit ang kanyang kamay. Tumango ako at nag-wave sa kanya.


 "Catch up on each other's lives."  Gaano ba sila katagal hindi nagkita? Normal ba sa magkapatid 'yung sobrang tagal na hindi nag-uusap? 


Binalewala ko na lang yung mga tanong sa utak ko at dumiretso na sa loob ng bahay. Paakyat na ako nang hagdan nang narinig ko ang boses ni dad mula sa kanyang office.


Nakabukas ng kaunti ang kanyang pintuan, at dahil curiosity will always kill the cat, sumilip ako at nakitang may kausap siya sa telepono.


Shit. Tuwing nahuhuli ko pa naman siyang may kausap sa telepono, si LJS ang kausap niya.


"Yeah, at wala pa ding nagbabago sayo? Gusto mo pa ring kunin ang lahat ng meron ako, ganun ba? You're still that brat, aren't you?" 


Base sa galit na tono ng boses ni dad, panigurado akong si LJS nga ang kausap niya. At mukhang sa mga sinabi niya, matagal na talaga silang magkakilala?


"If I hear you say my wife's name one more time, I swear to God, sisiguraduhin kong habang-buhay kang nasa kulungan sa oras na sapat na ang aking mga ebidensya laban sayo."


I stood up straight. Bakit biglang napapunta sa usapan nila si mama? Ano ba ang relasyon ni dad kay LJS?


"Leave my daughter alone,  Lee Jung Seob. This is my only warning."


Agad akong umakyat papunta sa kwarto ko nang tapusin na ni dad ang kanilang pag-uusap. Mahina kong isinara ang pintuan ng kwarto ko at sumandal dito. 

Welcome to the BlockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon