※※※※※※※※※
[CIARA]
Pumasok na ako sa bahay at agad na tinanong si dad.
"Sino yung L.Joe? Bakit madalas ko siyang nakikita dito? Kaano-ano mo siya?" Mukhang alam niyang kailangan ko ng isang diretsong sagot dahil huminga siya ng malalim at sumandal sa inuupuan niya.
"Anak, pasensya na kung ngayon ko lang sasabihin sayo ito."
Uh-oh, mukhang seryosong usapan na 'to.
"He's your fiancé."
Silence.
"Teka..." I blinked. Several times. "ANO?!!!!!!!"
Napapikit naman si Papa. Sa lakas siguro ng boses ko? I don't know.
"Pasensya na-"
"Dad!! What the hell?! Akala ko ba understood na nating dalawa na you need to get my approval bago ka tumanggap ng isang wedding arrangement?! My wedding arrangement?!"
Okay. Nagwawala na talaga ako dito. Bakit ganito? Alam ko namang normal lang na maipagkasundo ako dahil nga sa status namin pero lagi naman akong sinasabihan ni Papa beforehand ah? Bakit wala akong alam ngayon?
And for some reason, importante sa akin ang kasal. There's something deep inside me na pumipigil na basta lang magpa-engage sa kung sino-sino lang.
"Oo, alam ko, Ciara. Pero si L.Joe na mismo ang nag-presenta na maging fiance mo at tumulong sa atin - financially and for our protection." huminto siya at tiningnan ang ekspresyon ko. "Kahit hindi ko pa kilala ang pamilya niya, It's pretty obvious that he's rich."
Napaupo na lang ako sa sofa. Ina-absorb ko pa ang lahat ng sinabi sa akin ni Papa. Makalipas ng ilang segundo, tumingin ako sa kanya.
"Kung ang dahilan lang ay para makabangon tayo.." tumayo ako, "ako na mismo ang maghahanap sa LJS na 'yan."
Naglakad na ako papunta sa kwarto ko at hindi na pinansin ang pagtawag sa akin ni daddy.
Malakas kong isinara ang pintuan ng kwarto ko at humiga sa kama.
Nakatingin lang ako sa kisame. Yung L.Joe na 'yon, ngayon na nga lang kami nagkita tapos malalaman ko na lang na fiance ko pala siya?
Akala ko ba isa siya sa mga tauhan ni Papa?? At, diba siya yung sinasabi ni Jillian na isa sa mga men in black na kinausap siya?
What the heck?????
Nakarinig ako ng mahinang pagkatok sa pintuan ko at dahan-dahang binuksan ito ni daddy. "Ciara?"
BINABASA MO ANG
Welcome to the Block
Adventure"Whatever you do, don't cross the border. Don't ever go to Block B."