Block 3

21.6K 857 131
                                    




※※※※※※※※※





[CIARA]




"Daddy, lalabas muna ako." sabi ko nang matapos na akong mag-breakfast at mag-ayos ng sarili. Since maganda naman ang araw ngayon, naisipan kong ikutin muna ang lugar at maglakad-lakad.


Pagkalabas ko ng bahay, nakarinig agad ako ng sigaw mula sa di kalayuan.


"CIARA!" kumunot ang noo ko sa papalapit na tao mula sa akin at napangiti nang nakita kong si Jillian iyon.


"Saan ka pupunta?" nakangiti nyang tanong nang nakatayo na sya sa harapan ko.

"Saan ka pupunta?" pagbabalik ko ng tanong. Lalong lumaki ang kanyang ngiti. Oh, hell. One friend wouldn't hurt, right?


"Dito sana sa bahay nyo, but since mukhang lalabas ka naman, sasama na lang ako sayo." energetic niyang sabi. Ngumiti ako at tumango bago magsimulang maglakad.


And of course, hindi pa nakaka-tatlong segundo, bigla na naman siyang nagsalita.


"Ciara, alam mo buti na lang lumipat na kayo dito. Wala akong mahanap na kaibigan dito eh. Puro matatandang hukluban yata ang mga nakatira dito." naka-pout niyang sabi kaya naman napatawa ako.


Natahimik lang ako nang napansin kong nakatitig siya sa akin na may maliit na ngiti sa labi, "You should laugh more, Ciara." I gave her a smile. Ano pa ba ang maisasagot ko doon?


Nagkwentuhan pa kami, more like, nag-kwento pa sya nang nag-kwento hanggang namalayan na lang namin na nakalabas na pala kami sa Block A.


Nasa di kalayuan ang guardhouse ng buong village at nasa tabi ng Block A ang isang papasok na daan.


Block B siguro?


"Ciara, san tayo pupunta?" tiningnan ko si Jillian at tinuro yung papasok na daan.


"Block B ba 'yon?" tanong ko. Tiningnan nya yung tinuro ko at lumaki agad ang mga mata,


"Oo. Bakit? Dyan ka pupunta?" tumango ako at agad siyang napa-gasp.


"Akala ko ba nasa likod lang sya ng Block A? Diba magkadugtong lang sila?" Gawa nung pader diba? Parang nagse-serve lang naman yun ng divider?


"Ah, malaki kasi 'yang Block B. Dyan daw nakatira yung anak ng may-ari ng village na 'to eh." sagot ni Jillian. Nag-nod na lang ako at dumiretso na papunta sa guard house. Lalabas na muna ako sa village na 'to.


*

"..hindi naman sila as in gangsters. Siguro, mga pasaway at mahilig lang talaga sa bakbakan." pagkkwento ni Jillian bago isubo ang isa pang scoop ng ice cream.


Tumingin ako sa labas ng bintana nitong ice cream shop.


Nagtataka na ako sa sarili ko ha. Bakit ba ako tanong ng tanong ng kung anu-ano tungkol sa pitong lalaking yun?


"Ji, punta lang akong restroom." tumayo na ako at tiningnan si Jillian na kasalukuyang nanlalaking-matang nakatingin sa akin.


"Huy!" pumalakpak ako malapit sa mukha nya and I think bumalik na naman ang kanyang kaluluwa.


"Ciara... anong tinawag mo sakin?" parang gulat nyang tanong.


"Uhh.. Ji?" Why? Mahaba na para sa akin ang Jillian.


In less than a second, napalitan ang pagkagulat ng mukha niya ng isang malaking ngiti.


"You gave me a nickname!!" Kumunot ang noo ko, "That means you see me as a friend already, right?!" ibinuka ko ang bibig ko para magsalita pero hindi pa pala sya tapos, "OMG! Pwede din kitang bigyan ng nickname?! I'll call you Ci!! Hi, Ci, I'm Ji!" dire-diretso nyang sabi at iniabot sa akin ang kanyang kamay.


Gosh, this girl is really weird. Pero napangiti ako at kinuha na rin ang kamay nya para makipag-shake hands.


Nang nakatakas na ako kay Jillian, nagsimula na akong maglakad papunta sa restroom nang may nabangga akong lalaki na parang in his mid-40s.


"Sorry po." tumingin ako sa sahig at nakita kong nalaglag ang panyo niya. Kinuha ko ito at iniabot sa kanya. Tahimik niya itong kinuha sa akin at lumabas na ng shop.


At doon lang nag-sink in sa akin ang pangyayari. Nanlamig ang buong katawan ko.


Binalikan ko yung scene na kinuha ko ang panyo nung lalaki. Tama kaya yung nakita ko?


Yung panyo nung lalaki, may naka-tahi na initials. LJS.





*


Sinabi ni Jillian na mag-g-grocery daw sya pero dahil hindi pa rin ako maka-recover sa pangyayari kanina, sinabi kong uuwi na lang muna ako. Medyo nanlalambot na rin kasi ako.

LJS...

LJS...

Tama ba talaga yung nakita ko?

Hindi pa naman malabo yung mata ko, diba?


Ugh, nahihilo na ako kaka-isip. Isabay pa 'tong init ng araw.


UGGGGHHHH.. LJS..


Tumigil ako sa paglalakad, pumikit, at bumuntong-hininga. Anak ng pating naman oh, bakit ba sobrang init ngayon?


"MISS! TABI!!" napamulat ako at tumingin sa pinanggalingan ng malagong na boses.


"ALIS!" Nakita ko ang isang lalaki na nakasakay sa kanyang bike at sa hindi malamang dahilan, nanigas lang ako sa pwesto ko at hindi makaalis.


Oh dear.

In an instant, nakaupo na ako sa kalsada, at may bagong sugat sa paa. Great, bakit ba kasi ngayon ko pa naisipang mag-suot ng shorts.


Tinry kong tumayo pero lalo lang kumirot ang sugat ko. Dang it, may dugo pa.



"Sh¡t. Miss, sorry." Tiningala ko yung lalaki na kakababa lang sa kanyang bike ngayon. And let me just say na mahabang proseso ang pag-tingala ko. Bakit kasi sobrang tangkad ng tao na 'to?!


"Okay ka lang, miss?" muli na naman niyang sabi gamit ang kanyang malalim na boses.


Tinitigan ko ang mukha niya at napakunot ako ng noo. Teka, familiar siya.

WAIT.

Malalim na boses? Matangkad?


"Then there is P.O... Matangkad. Deep, low, scary voice. Yung tipong kapag kakausapin mo sya, instant goosebumps na agad."


Don't tell me, isa sya sa pitong iyon? Just my effin' luck nga naman ngayong araw na 'to. Lahat na lang ng unexpected na tao, nababangga ko.


Binuka ko ang bibig ko pero walang boses na lumabas. Or so I think dahil bigla na lang umiikot ang paligid ko.

"Miss!" at iyon ang huling salitang narinig ko bago dumilim ang lahat.


*


"P.O, saan mo ba kasi napulot 'to?"


Huy, may sugat."


"Hoy gago ka, anong ginawa mo dito?"


Bakit ang ingay?!


"Ayan na, gising na yata."


I frowned. Something's not right. Boses ng mga lalaki ba 'tong naririnig ko?


"Maganda sya."


What the hell! Boses ng mga lalaki?! Agad kong iminulat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang pitong mukha.


HOLY MOTHER OF MUSHROOMS.


NO.


※※※※※※※※※

Watch the video para ma-prepare na kayo kung gaano kagulo ang Block B ;)

VOTE & COMMENT <3

Welcome to the BlockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon