※※※※※※※※※
[CIARA]
There was a long moment of silence. Nasisiraan na ba 'tong si Kyung?!
He suddenly cleared his throat as if nararamdaman na niya ang pagka-out of this world ng tanong niya. Napakamot siya sa ulo niya at nahihiyang tumingin sa akin, "Well?"
Tinaas ko ang kilay ko, "Anong well?"
Napangiwi siya saglit, "Will you be my girlfriend?"
Kumunot ang noo ko. Magsasalita na sana ulit si Jillian pero pinigilan ko siya.
Lumapit ako kay Kyung habang pinapalagutok ang mga daliri ko sa kamay, "Nang-iinsulto ka ba?" napaatras naman siya, "Sa tingin mo ganun ako kadali? Na papayag ako basta-basta kapag may nagtanong sakin ng ganyan?" Okay, I'm just messing with him pero I still need to get my point across.
Panay ang pagwagayway niya sa kamay niya habang paulit-ulit na nailing, "H-hindi.. a-ano.. k-kasi.."
Napasandal na siya sa pader. Cornered.
"Teka, teka!" mabilis niyang sabi, "Magpapaliwanag ako. Chillax ka lang muna, Ciara." Umatras ako ng konti at nag-relax naman agad siya.
Pinauwi ko na muna si Ji dahil mukhang mahabang pag-uusap pa ang mangyayari sa amin ni Kyung. Nakaupo kami ngayon sa bench ng bakuran namin.
"Ano.. kasi.. ganito yun.." pautal-utal pa niyang sabi. I rolled my eyes. "Kyung!"
Bumuntong hininga siya, "Oo, eto na. Chill, kinakabahan na nga yung tao eh."
Nag-cross arms ako at sumandal sa bench. Buti na lang nasa ilalim 'to ng puno nakapwesto. Natatakluban ng mga dahon ang langit at hindi sumasabay sa init ng araw ang ulo ko.
"Tumawag sa akin ang mga magulang ko kahapon." huminga siya ng malalim. "Dapat makipagkita na daw ako sa babaeng mapapangasawa ko."
Agad akong napatingin sa kanya. Asawa?? Teka, I'm pretty sure nasa early 20s pa lang ang edad namin!
Nanatili pa rin si Kyung na nakatingin sa ibang direksyon at tinuloy ang pagsasalita, "Fixed marriage. Katangahan." umiling siya, "Sino bang matinong magulang ang ipipilit ang anak na magpakasal sa taong hindi naman niya kilala?" huminga ulit siya ng malalim at sumandal, "Haaaay. Katangahan."
Natahimik ako. Somehow, alam ko ang nararamdaman niya ngayon. Nakaranas na rin ako ng ganito. Fini-fix marriage ang mga anak para lang sa pera. Though, buti na lang tinatanong muna ako ni dad sa magiging desisyon ko.
Tumingin ako kay Kyung. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Problemado. Seryoso. Malungkot.
BINABASA MO ANG
Welcome to the Block
Adventure"Whatever you do, don't cross the border. Don't ever go to Block B."