Block 20

4.5K 174 19
                                    

※※※※※※※※※

[CIARA]


Last class na namin ngayon at ito ang class kung saan magkakaklase kaming lahat.

Pumasok ako sa gym at nakita ko si Jillian na kausap yung pito. Nagtama ang tingin namin ni Jaehyo at naramdaman siguro niya ang balak ko dahil unti-unti siyang umatras mula sa kanilang kumpulan.

Oh no, you don't.



With my target in sight, naglakad ako papalapit sa kanya habang sya naman ay paatras ng paatras.  Nakita kong huminto si Jaehyo sa gilid kung saan nandoon ang drinking fountain. Hmm, mukhang hahayaan naman niya akong kausapin siya. Away from the others nga lang.


Naglakad na ako ng mabilis papunta sa pwesto niya nang biglang hinarangan ni B-bomb ang aking daan. Nakakunot niya akong tiningnan bago tumingin kay Jaehyo ng saglit at tumingin ulit sa akin.


"May problema ba?"


Shit. I can't tell him yet kasi baka siya mismo ang kumausap kay Jaehyo. I need to know first.


"Umh.. wala. Bakit? May problema ba?" parang tanga kong sagot. Tinitigan lang niya ako. I cleared my throat at umalis sa harapan niya. "Uhh.. punta lang ako sa fountain. Nauuhaw ako eh."


Hindi ko na hinintay ang reaksyon niya at umalis na sa kinatatayuan namin. Note to self: don't lie. You suck at it.


Nang nakalapit na ako kay Jaehyo, nakita kong nakatingin siya sa likod ko wearing a small smile. "He's gonna kill me you know."


Hindi ko na-gets ang sinabi niya until nagkaroon ako ng goosebumps sa aking batok. Yung feeling na para bang may nakatitig sayo? Pero in this case, sure akong naka-glare siya sa amin.


Hindi ko na muna pinansin ang masamang aura na ikinakalat ni B-bomb. Umayos ako ng tayo at tinitigan si Jaehyo.


"Kilala mo ba si LJS?"


Tumaas ang isa niyang kilay pero kita ko sa mga mata niya na ine-expect na niya ang tanong na ito. Sumandal siya sa dingding at tinitigan lang ako. Ugh, what is with these boys and their staring?!

"Jae-" pinutol niya ang sasabihin ko nang bigla siyang lumapit sa akin at ipinatong ang pareho niyang kamay sa magkabilaan kong balikat. He crouched down to my level and looked straight into my eyes.


"Wala ako sa posisyon para sabihin sayo kung sino siya, Ciara. But you will know who he really is, I'm sure of that. At kapag nakilala mo siya, I hope you won't let your emotions get the best of you. Tutulungan pa din kita. Trust me."

Pagkatapos niyang magsalita, narinig ko ang pagdating ng aming professor. Umayos na si Jaehyo ng tayo at pumunta sa aming pwesto, leaving me more confused than ever.





For whatever reason, wala ako sa mood na makipag-usap kahit kanino. Sobrang nao-overwhelm at naf-frustrate lang siguro talaga ako sa mga nangyayari sa akin. Kaya naman pabalik-balik ako sa restroom. Alam kong napapansin ito ng pito at ni Jillian pero sinasabi ko na lang sa kanila na masakit ang tiyan ko, inaantok, at kung anu-ano pang dahilan. Yung prof ko naman, walang pakialam.


Tumingin ako sa salamin. Ramdam kong konti na lang at mapapaiyak na ako. Bakit ba parang ang helpless ko? Bakit parang hanggang pangako na lang ako sa sarili ko na mahahanap ko si LJS? I don't even know what my first step is. I don't even have a plan!


With one last sigh, lumabas na ako mula sa restroom only to have my path blocked again. Hinawakan ni B-bomb ang aking kamay at hinila ako papalabas papunta sa field. Uh, I guess we're cutting then.


Welcome to the BlockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon