Block 23

3.8K 169 8
                                    


※※※※※※※※※   


[CIARA]


Tiningnan ko ang oras sa aking cellphone at  muling tumingin sa labas ng bintana ng ice cream shop. Uh, almost 30 minutes na akong naghihintay dito, ano na? 


Napunta ang atensyon ko sa entrance ng shop nang narinig kong tumunog ang bell sa pagbukas ng pinto, at doon ko nakita si LJS na bagong dating at iniikot ang mata sa loob ng shop.


Naka-suit siya na halatang mamahalin, he's got a little bit of graying hair, but for his age, he's pretty good-looking. And damn, kamukha niya nga si B-bomb. 


Nang nakita niya kung nasaan ako, ngumiti siya at dumiretso na sa aking pwesto. Umupo siya sa tapat ko at ipinatong ang kanyang baba sa kanyang kamay.


"We finally meet, Ciara Mae." nakangiti niyang sabi at agad naman akong kinilabutan. Ayoko na ulit marinig ang pangalan ko mula sa bibig niya. 


Sumandal ako sa aking upuan at pinilit ang aking sarili na magmukhang kalmado at unaffected. 


"I won't beat around the bush, LJS. What do you want from us?" 


Lalo lang lumaki ang ngiti niya at sumandal na din siya sa kanyang upuan, "Not from you, dear. I have nothing against you. But in your father's case... everything, I am going to take everything away from him."


Pinigilan ko ang aking sarili na tumayo at sigawan siya. Huminga ako ng malalim at pinakalma ang aking sarili, "Ano pa ba ang gusto mo? We're broke. Wala na sa amin ang kompanya at ibinenta na namin ang aming mga ari-arian. You already took everything away."


"Oh, not everything yet, dear. I want to see him break. I want to see him ruined." I can hear the hatred in his voice na ikinatakot ko.


"A-ano ba ang ginawa niya sayo?"


Nawala ang ngiti niya at para bang natulala siya ng saglit bago nagsalita, "He took everything away from me. I'm just letting him know how it feels."


Hindi ako nakasagot. Fuck. Obviously, wala akong ideya sa naging history nila. And here I thought binetray lang niya si dad and broke his friendship.


Nag-iisip pa din ako ng sasabihin nang naging awkward at uncomfortable na ako sa pagtitig niya. I cleared my throat at para siyang nahimasmasan at bigla na lang ulit siyang ngumiti.


"Wow. You really look like your mom, Ciara Mae." 


Ugh, here we go again.


"Please stop saying my name. At paano mo nalaman ang aking middle name?"


"You don't remember? We always go to your house. Kami ni Minhyuk. Lagi ka noong nagpapakilala na ikaw si Ciara Mae Jung. Plus your mom always talked about you."

Welcome to the BlockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon