※※※※※※※※※
[CIARA]
"Jusmiyo, Ciara! Kahit sako lang oh costume ng praying mantis ang isuot mo, babagay sayo! Madadala mo yan! Kaya mag-bihis ka na at sigurado akong naghihintay na sayo si B-bomb!"
Tiningnan ko ang aking mga damit na naka-hilera sa kama, na kasalukuyang hinihigaan ni Jillian na halatang naf-frustrate na sa akin.
Ano ba, kaya nga kita tinext na pumunta dito para tulungan ako, eh.
Aaaaah, puta. Malay ko ba kung ano ang dapat ko'ng isuot ngayon since hindi din naman ako sinagot ng ayos ni B-bomb?
Paano kung mag-hiking pala kami ngayon? Swimming? Sky diving?!
At bakit ba sobrang pino-problema ko 'to??!!
Narinig ko ang pag-buntong hininga ni Ji. Umupo na siya mula sa kanyang pagkaka-higa at tinitigan saglit ang mga damit na nasa kama, bago niya ibato sa akin ang isang light blue na simpleng sundress na may manipis na horizontal stripes.
Tinitigan ko ito at mukha namang okay siya na panglabas lang. Not too fancy and not too plain.
"So.. kailan mo sa akin aaminin kung bakit ka wala sa school kahapon?"
Hininto ko ang pag-iinspeksyon at tiningnan si Jillian. Mukhang hinintay talaga niya na itanong sa akin iyon ah?
Well, I guess it's time to talk about me, right? Para fair bilang halos alam ko na ang tungkol sa buong buhay niya. And yes, she's my very first girl friend.
Umupo ako sa kama sa tabi niya at tiningnan ang orasan. Okay, mukhang may ilang minuto pa ako para mag-kwento.
"Kilala mo si L.Joe?" paninimula ko.
"Sino?"
"Yung gwapo na sinasabi mong parang kabilang sa Men In Black."
Agad na nanlaki ang mga mata niya pati na din ang ngiti niya. Oh dear. "OMYGOSH! Nag-date kayo?! Ng buong araw?! Nakanaman ng!" excited niyang sabi sabay hampas sa braso ko.
Huminga ako ng malalim, "Nah, Ji. He's my bodyguard."
Kumunot ang noo niya, "Bodyguard? Siya? Yung gwapong nilalang na yun? Bodyguard lang? At bakit mo kailangan ng bodyguard?"
"Well, Jillian, hindi ko pa naipapakilala sayo kung sino talaga ako." tumayo ako at binuksan ang isang drawer sa study table ko, at kinuha ang nakatago doong magazine bago bumalik sa tabi ni Ji.
Ipinatong ko sa hita niya ang magazine kung nasaan nasa cover page si Daddy, entitled as 'Top 10 Richest Men in The World'. Matagal nang magazine iyon pero tinatago ko pa rin ito - maybe a reminder of how we were back then.
BINABASA MO ANG
Welcome to the Block
Pertualangan"Whatever you do, don't cross the border. Don't ever go to Block B."