※※※※※※※※※
"You know where we are, right? Why won't you just fcking show up?! What game are you playing?" sigaw ni Jung Min Suk sa kausap niya sa telepono.
Tumawa ang nasa kabilang linya, "At ano? Makita kong naghihintay na sa bahay mo ang mga pulis? Ang mga tauhan mo? I am not dumb, Mr. Jung, and you know that."
Mr. Jung. Napailing na lang ang dad ni Ciara with a bitter smile on his face, "Funny, you still call me that."
"Hindi pa rin ako makapaniwalang sobrang tagal mo pa bago ako makilala. Sobra mo ba akong pinagkatiwalaan, Mr. Jung?"
Hindi nakapagsalita ang dad ni Ciara. Of course, he did. He treated that person like a brother, for Christ's sake! But wrong move, dahil sa tiwalang iyon, nawala lahat ang pinaghirapan niya para kinabukasan niya at ni Ciara.
"Drowning in all these wealth is a pleasure, Mr. Jung."
Naiyukom niya ang kanyang kamao at halos mawasak na ang telepono sa sobrang higpit ng hawak niya, "I will fcking find you and you will rot your filthy a$s in jail!"
Tumawa na naman ang kausap niya, "Nice talking with you, Mr. Jung."
"I will find you, LJS." he said venomously and ended the call.
LJS. May isang pangalan lang na pumasok sa ulo niya noong nalaman niya ang initials na iyon pero binalewala lang niya ito.
Pilit niyang itinanggi sa sarili niya na ang kanyang sariling business partner - his college friend and the person he started his own company with - would betray him like that.
*
[CIARA]
Hindi ko alam kung anong nangyari o dahil ba sa sobrang pagod ko dahil namalayan ko na lang na nakahiga ako sa isang kama. Nang nakita ko ang dalawang picture frame sa isang lamesa, doon ko lang narealize na nakatulog na ako sa kwarto ni Taeil. Tiningnan ko ang orasan - 5:30pm.
Tumingin ako sa kwarto niya at mukha namang walang tao, that is until tumingin ako sa may pintuan.
Nakasandal sa door frame, naka-crossed arms, at nakatingin sa akin ay si B-bomb.
Kumunot ang noo ko at mukha namang natauhan na siya dahil agad siyang umiwas ng tingin at umalis na sa pwesto niya, "Oy, gising na." rinig kong sabi niya mula sa labas.
"Ako na maghahatid!!!!" napa-flinch ako sa pagkakahiga ko dahil sa malakas na boses ni P.O.
Umupo na ako at sakto namang pumasok na si P.O sa kwarto, "Hahatid na kita sa inyo." nakangiti niyang sabi. Hindi na ako pumalag dahil alam ko namang wala ding epekto iyon. Magsasayang lang ako ng energy.
BINABASA MO ANG
Welcome to the Block
Adventure"Whatever you do, don't cross the border. Don't ever go to Block B."