※※※※※※※※※
[CIARA]
AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHH!
That was a girly, childish scream. In my head. Dahil for the 2nd time today, parang nasa sariling version ulit ako ng langit ko ngayon.
Pagkatapos naming magpaalam kay Tita Carol at Max, dumiretso na kami sa sasakyan ni B-bomb at pumunta sa aming pangalawang destinasyon.
Which is a small theme park. But still a theme park, nonetheless.
At pangarap kong makapunta sa isang theme park!!! I know, mayaman kami, bakit hindi ko ma-afford na pumunta? Well, let's just say na dahil sa sobrang yaman namin noon, naging paranoid ang parents ko kaya naman hindi nila ako pinapalabas unless may bodyguard. At hindi din naman ako masamahan ng magulang ko dahil lagi silang busy magpayaman. Ayoko ngang pumunta sa isang theme park na may nakabuntot sa aking bodyguard.
Napaka-saya ng childhood ko, ano?
But hey! In just a day, na-cross out na sa list ko ang pagpunta sa isang theme park at sa lugar na puro aso. With B-bomb. It's like he knows what I want kahit na hindi ko ito sinasabi sa kanya.
So, eto ako ngayon, nakangiti ng malaki habang nakatayo sa entrance ng isang maliit na outdoor theme park na malapit sa isang lake. Napaka-ganda ng lugar.
Nagising ang diwa ko nang biglang nagsalita si B-bomb sa tabi ko, "Pasensya na, maliit lang y-"
Napatigil siya sa pagsasalita nang bigla ko siyang tiningnan ng masama. Don't you dare say sorry for this. "May rides naman, diba? May cotton candies and ice cream pa akong nakikita. Plus madaming taong mukhang nag-eenjoy, so I don't really care kung malaki o maliit ang lugar na ito, B-bomb. Thank you." I added the last bit in a soft voice pero mukhang narinig niya ito dahil agad siyang ngumiti, showing his darn dimple.
"Let's go then." sabi niya and before I realized it, hinawakan niya ang isa kong kamay at hinigit papasok sa park.
Hindi ko na pinansin ang paniguradong pamumula ng mukha ko dahil agad kong ipinagdasal na sana hindi agad mamawis ang kamay ko sa pagkakahawak niya.
Because I'm not really sure I want him to let go.
[3RD]
"Hindi ba namamawis na yung kamay nung dalawang 'yon? Kanina pa silang magkahawak ah!!"
"Lintek na- Huwag kang maingay!" sigaw ni U-kwon bago sapakin ang ulo ni Zico. Napa-hinga na lang ng malalim si Jillian sa atensyon na ngayon ay nasa kanila dahil sa patuloy na pagbabangayan ng dalawa.
Himala na nga lang at hindi pa sila nahuhuli nila B-bomb at Ciara.
Yes, they were spying.
And yes, idea ito ni Zico.
Nakaupo silang pito sa isang mahaba na bench at isa-isang may hawak na malalaking lobo para pang-taklob sa kanilang mga mukha.
Mukha silang mga tanga dahil sobrang halata sila at dahil pinagtitinginan na sila ng ibang tao pero siguro mas tanga sila B-bomb at Ciara dahil hindi nila napapansin ang nangyayari sa paligid nila.
Either wala silang kamalay-malay or wala lang talaga silang pakialam sa iba dahil mukhang nage-enjoy sila sa company ng isa't-isa.
Nakangiti at kinikilig na pinapanood ni Jillian ang dalawa sa isang booth kung saan mayroon kang isang water gun at paunahan kayo na i-akyat yung kung ano mang bagay na iyon sa tuktok.
![](https://img.wattpad.com/cover/2476517-288-k380295.jpg)
BINABASA MO ANG
Welcome to the Block
Adventure"Whatever you do, don't cross the border. Don't ever go to Block B."