※※※※※※※※※
[CIARA]
"Ciaraaaaaa" No. Nananaginip lang ako. Wala akong naririnig na boses at ingay mula sa labas ng bintana ko. Iminulat ko ang isang mata ko para tingnan ang orasan. 3 FREAKING AM.
Nakarinig na naman ako ng kung anong pagbato sa bintana ko. Damn it.
At dahil alam kong hindi ito titigil, dumiretso na ako papunta sa bintana at binuksan ito nang biglang may tumamang bato sa mata ko.
"Ffff-" pinigilan ko ang sarili kong sumigaw dahil baka magising si daddy. And it's 3 freaking am.
Gamit ang isang nakabukas na mata, tumingin ako sa baba at nakita si P.O na nakangiti at naka-peace sign, at si Kyung na pa-inosenteng tumitingin sa paligid habang sumisipol. Nakita ko din sa isa niyang kamay ang mga bato. Ugh.
"What?!" pabulong kong sigaw.
Minotion ni P.O ang kamay niya na para bang pinapababa ako. I rolled my eyes. Ano na naman bang plano ng mga 'to?
"Ciara!!!" sigaw ni P.O nang hindi pa din ako kumikilos.
Anak ng! Nag-shh ako sa kanya pero binelatan niya lang ako. This time, tumingin na sa akin si Kyung, "Kelangan ka namin!" pabulong niyang sigaw. "Baba na dali!!"
Err.. tumingin ako sa suot ko. Naka-tank top lang ako at baggy pants. Sigh. Nagpa-antay muna ako sa kanila at dumiretso sa closet ko para kumuha ng hoodie.
Nang bumalik ako sa bintana, tumingin sa akin si Kyung at nag-pout. Problema nito?
"Huy! Bumaba ka na!" sigaw na naman ni P.O
Hindi naman ako pwedeng lumabas ng kwarto. Delikado na, baka magising pa si daddy. So, there's only one way.
Isinampa ko ang isa kong paa sa labas ng bintana. Nanlaki ang mga mata ng dalawa sa baba at winagayway ang kamay.
"Huy! Bakit ka diyan bababa?!"
"Ciara, kaya nga ginawa ang hagdanan eh!"
Nakalabas na ang buong katawan ko at nakatungtong sa makitid na bubong ng 2nd floor ng bahay. Ang kailangan ko na lang na gawin ay i-balance ang sarili ko para sa pagtalon.
Tumayo na ako ng tuwid at binitawan ang pagkakahawak sa may bintana, pero wrong move. Hindi ko ba alam kung hindi ako marunong mag-balance o sadyang mabigat lang ako dahil pagkabitaw ko sa bintana, agad na dumulas ang isa kong paa at diretso na akong nalaglag.
"Ciara!!" rinig ko ang sabay na pagsigaw ni P.O at Kyung, pero pumikit na lang ako at hinintay ang aking pagbagsak sa lupa.
Sa halip na isang matigas na pagbagsak ang kinahantungan ko, dalawang matigas na bisig ang naramdaman ko.
BINABASA MO ANG
Welcome to the Block
Adventure"Whatever you do, don't cross the border. Don't ever go to Block B."