Block 6

22.4K 743 78
                                    

※※※※※※※※※


[CIARA]


Pagkatapos ng nangyari kagabi, yung palakpakan nung mga taga-Block B, agad akong yumuko noon at hinigit si Jillian palabas ng Block na iyon. Narinig kong tinawag ako ni P.O pero hindi ko ito pinansin.


Did I ever mention that I hate too much attention? Did I? Well, I'm just making myself clear.


"Shet." ang unang salitang lumabas mula sa akin ngayong umaga nang humarap ako sa salamin.


May isang mahabang sugat sa aking balikat at pasa. Damn that bracelet. Hinipo ko ng may konting diin ang pasa at napa-wince ako sa sakit.


Nagbihis na ako at bumaba nang marinig ko na naman si dad na may kausap sa phone.


"Hindi kami aalis dito." that was the last word I heard from him bago niya ibaba ang tawag.


I felt somehow relieved and anxious at the same time.


Sinabi niyang hindi kami aalis dito. Good. Pero yung tono ng boses niya, bakit parang kahit yung sarili niya, kinukumbinsi niya sa sinabi niya? May nangyari na naman ba? May balita na ba tungkol sa mga naghahanap samin?


I need to get a hold of the situation. And fast.


Nakarating ako sa school just a second before the start of my first class. And as expected, marami ngayon ang nagpapasukan pa lang sa room namin.


Pumasok na ako sa room nang biglang may mga nakabangga sa akin at nadanggil ang aking kaliwang balikat na kung saan nandoon ang pasa ko.


"Fck." mahina kong sabi habang pumikit at huminga ng malalim, pinipilit na alisin ang sakit.

Dumiretso na ako sa pwesto ko nang napansin kong nakatingin sa akin si B-bomb.


Wala pa ring nagbabago sa tingin niya – malamig pa rin at walang kabuhay-buhay, pero this time, parang may konting kunot sa noo nya habang nakasunod ang tingin sakin hanggang sa pag-upo ko sa tabi ni Zico. Problema niya?


"Bakit naman umalis ka agad kagabi?" seryosong tanong ni Zico sakin na mayroong konting pout sa labi.


Hindi ako sumagot. Ramdam kong kumunot ang noo niya at sumuko na sa pagtatanong pa.

Bumuntong-hininga naman ako at nakaramdam ng guilt. Nagtatanong nga lang naman yung tao. "Ayoko lang ng masyadong atensyon." I found myself saying, "At yun yung ginawa niyo kagabi nung nagpalakpakan kayo. I felt... uncomfortable." tiningnan ko ang reaction niya at nakitang nakatingin siya sakin na may parang isang relieved na expression?


Humalumbaba siya at nanatiling nakatingin sakin, pero this time, may konting ngiti na sa labi niya, "You're one of a kind, Ciara." tumingin na siya sa unahan at narinig ko ang kanyang pahabol na sinabi, "Sorry sa kagabi."



Pumunta na ako sa second class ko at nakita si U-kwon sa labas na nakasandal sa pader katabi ng pinto.

Welcome to the BlockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon