※※※※※※※※※
[CIARA]
Tumayo na ako at lumabas mula sa kwarto ni B-bomb dahil baka maabutan pa niya ako dito. Baka kung ano pa ang magawa ko kapag nakita ko siya.
Pagkasara ko ng kwarto, napahinto ako nang makita ko si Hyuna sa living room. Mukhang hindi niya din ako ine-expect dahil halata ang pagkagulat niya.
Tiningnan nya ang pinanggalingan ko at may kung anong understanding ang dumaan sa expression niya.
"You know." Mahina niyang sabi. Napanganga ako saglit. It doesn't take an observant person to know what she meant.
"Alam mo?!"
Tumango siya, "Sinabi sakin ng pinsan ko."
Si Jaehyo. Agad namang nag-init ang katawan ko sa galit.
So, ito pala ang sinasabi ni Jaehyo na hindi niya masabi-sabi sa akin? Alam ba nilang lahat ang tungkol dito?!
Napatawa ako ng mahina. Malamang nga at hindi nila sasabihin sa akin ang tungkol dito dahil kaibigan nila si B-bomb. Siyempre, pprotektahan nila ang kaibigan nila.
Wala naman silang pakialam na magmukha ako ditong tanga.
Nilagpasan ko si Hyuna at binuksan ang pintuan ng bahay nang bigla siyang nagsalita.
"Our families do not define us, Ciara."
-
"Have you been crying, anak?" Nagising ako mula sa aking pagkatulala at tumingin kay Dad. Nakakunot ang kanyang noo at nag-aalalang tumingin sa akin.
Pinilit kong tumawa pero kahit ako ay nag-cringe sa tunog, "May pinanood lang akong nakakaiyak kagabi."
Tumango lang siya pero alam kong alam niyang nagsisinungaling ako.
I took a deep breath at tumayo, "Thanks for the breakfast, dad. Alis na ko." Sabi ko bago pumunta sa front door. Hindi ko na pinansin ang pagsunod niya ng tingin sa akin.
Pagkalabas ko ng bahay, napapikit ako nang makita ko si L.Joe na naghihintay.
![](https://img.wattpad.com/cover/2476517-288-k380295.jpg)
BINABASA MO ANG
Welcome to the Block
Adventure"Whatever you do, don't cross the border. Don't ever go to Block B."