※※※※※※※※※
[CIARA]
"Yo." tumingin ako sa pinanggalingan ng boses. Tumango lang ako sa kanya at ibinalik ang atensyon ko sa labas ng bintana.
First class ko ngayon at naisipan kong dito umupo sa tabi ng bintana sa pinakadulo sa likod.
At kapag minamalas ka nga naman, naisipan pang umupo ni Zico sa tabi ko at si B-bomb sa unahan ko unahan ko. Nagsimula nang magpasukan ang mga estudyante at nagsimula na naman ang mga tingin at bulungan nila. Damn, I hate this.
Huminga ako ng malakas at ibinaon ang mukha sa desk ko, "Ugggghhh!!!"
Ramdam ko ang pagtahimik ng room at ang tingin nila sa akin kabilang na sila Zico at B-bomb.
Pagkatapos ng klase, ako ang pinakaunang lumabas sa room at binalewala ko na lang ang pakiramdam na parang may nakatitig sa akin mula sa loob ng room.
Pumunta na ako sa second class ko at nakita doon ang tatlo. Magkatabing nasa likod sila Jaehyo at Taeil, at nasa unahan naman nila si U-kwon.
Nang nakita nila ako, kumaway si Taeil, nakatingin lang si Jaehyo, at tinapik ni U-kwon ang katabi nyang upuan.
Not minding the stares and whispers (again), umupo na ako sa tabi ni U-kwon at muling ibinaon ang mukha ko sa desk, "Ugghhh!!"
Ngayong vacant ko na, naisipan kong mag-ikot muna ulit sa campus; buti na lang at marami ang may klase.
Napadpad ako sa court at naisipang umupo sa mga bleachers. Hindi ko pinansin ang mga nagba-basketball nang biglang may sumigaw ng, "BOLA!"
Hindi ko pa rin pinansin ang nasa paligid ko until I felt it..
Isang matigas na bagay ang tumalbog sa ulo ko at kasunod noon ay ang pagdilim ng paningin ko.
"Ciara! Ciara! Huy, gising." kumunot ang noo ko dahil sa paulit-ulit na pagsampal sa pisngi ko.
"Ciara.." agad akong napamulat nang nakaramdam ako ng mainit na paghinga sa tenga ko.
Humarap ako sa gilid - si pinanggalingan ng boses na bumulong sa akin. Wrong move.
Kaharap ko ngayon si Zico. His nose at least inches from mine. And that's when I clearly saw his eyes.
Oo, there's fierceness in it pero kung matititigan mo sya ng ganito kalapit, you can actually see the softness in it. Napansin ko ang panlalaki ng mga mata nya at ang pamumula ng tenga nya.
Oh, right, I'm staring at him.
Sya ang unang umatras at hinawakan ang batok nya while coughing awkardly, "Sorry."
"Para saan?" umupo na ako ng ayos at doon ko naramdaman ang sakit sa ulo ko, "Aah.."
BINABASA MO ANG
Welcome to the Block
Adventure"Whatever you do, don't cross the border. Don't ever go to Block B."