Because I owe you guys a double update ;-)
※※※※※※※※※
[CIARA]
Bakit ang init?
Bakit parang ang bigat ng katawan ko?
At bakit parang ang sikip bigla sa kama ko?
Baka init lang ng araw yun at baka nagkalat na naman sa kama ko ang mga unan. Pabalik na sana ulit ako sa dreamland nang nakaramdam ako ng kung ano sa aking tiyan.
Teka, ano 'to?! Kamay?!
At teka, bakit pataas 'to ng pataas?!
Agad kong iminulat ang aking mga mata nang naramdaman kong ilang inches na lang at makakarating na sya sa aking dibdib.
Pinigilan ko ito, at tulad nga ng hinala ko, isa itong kamay.
Nanigas ako nang nag-sink in na sa akin ang buong pangyayari. Nagkwentuhan lang kami ni B-bomb kagabi hanggang sa hindi ko namalayan, nakatulog na kaming pareho.
Kaya ngayon, hawak-hawak ko ang kamay ni B-bomb na kasalukuyang naka-yakap sa akin. My back against his chest.
We are spooning.
We are spooning!!!
Dahan-dahan kong iniangat ang kamay niya mula sa akin nang bigla siyang umungol at niyakap lang ako ng mahigpit. Mas malapit na kami ngayon dahil nararamdaman ko na ang paghinga niya sa leeg ko.
Breathe in. Breathe out.
Oh my god. Ano na, paano na 'to.
Pero in fairness, masarap naman sa pakira-- FOCUS, CIARA. Huwag kang mag-isip ng kung anu-ano; kulang ka lang sa kape.
Nag-try muna akong mag-relax kasi baka magising ko lang si B-bomb sa paggalaw ko. Matapos ng ilang segundo, dahan-dahan ko ulit iniangat ang kanyang kamay nang biglang kumatok si dad.
"Ciara, gising ka na ba? Baka ma-late ka."
Shit.
Kalimutan na natin ang pagdahan-dahan. Agad kong tinanggal sa aking katawan ang kamay ni B-bomb, at aksidenteng nasiko siya sa tiyan. Narinig ko ang pag-ungol niya at agad kong tinakluban ng unan ang kanyang mukha.
Baka marinig siya!
"Ciara?" muling tanong ni dad.
Damn it. "U-umh! Yes, dad! Maliligo lang ako!"
"Okay. Baba ka na lang para sa umagahan mo." Pinakinggan ko muna ang paghakbang niya palayo bago ako kumawala ng paghinga.
At doon ko naramdaman ang paulit-ulit na pagpalo sa aking braso.
Ay, shit! Si B-bomb!
Tinanggal ang unan mula sa kanyang mukha at agad naman siyang naghabol ng hangin.
"What the f-" Bago pa siya makasigaw, tinakluban ko ang bibig niya gamit ang kamay ko.
"Shh." hinila ko siya patayo at itinulak papunta sa bintana. "Lumabas ka na, dali. Baka pumasok si dad kapag wala pa ako sa baba ng ilang minuto." Dali-dali kong sabi. Salamat naman at mukhang unit-unti na siyang nagigising na siya dahil sinusunod niya ako.
Nang naka-posisyon na siya para tumalon pababa, tiningnan niya ako. Okay, never mind, mukhang inaantok pa din siya.
"Did you sleep well?" Namalayan ko na lang ang pag-init ng mukha ko. Umm, bakit ang sexy ng boses niya sa umaga?!
![](https://img.wattpad.com/cover/2476517-288-k380295.jpg)
BINABASA MO ANG
Welcome to the Block
Adventure"Whatever you do, don't cross the border. Don't ever go to Block B."