I groaned and turned. Bakit nagv-vibrate ang kama ko?
BZZZZZT. BZZZZT.
Iminulat ko ang isa kong mata at nakita ang ilaw na galing sa aking cellphone. Patuloy pa din ito sa pag-vibrate at nakita ko ang sunod-sunod na notification na may bago akong text.
WHAT THE HECK.
Kinuha ko ang cellphone at nanlaki ang mga mata sa oras. 3:35AM. What is it with people waking me up at 3 in the freaking morning?!
Ni-scroll ko ang mga text galing sa anim na unknown number and I groaned. Damn it, B-bomb.
Binuksan ko isa-isa ang mga message. Sigurado na akong ang pinaka-una kong nabasa ay galing kay Zico.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Hindi ko na napigilang tumawa. Sinave ko na ang number niya at binuksan ang susunod pang mga message.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Even though hindi na niya sinabi kung sino siya, I just know na si U-kwon ito.