Block 21

4.6K 167 39
                                    

Mej mahabang update :D

※※※※※※※※※

[CIARA]

Pagkatapos nilang magyakapan, napansin siguro ng mom niya na may kasama si B-bomb dahil gulat siyang napatingin sa akin.

"Oh! Excuse my manners." Nakangiti niyang hinawakan ang isa kong kamay. "I'm Minhyuk's mother, and you are...?"

"Ah. Happy birthday po. I'm Ciara Jung, Minhyuk's..." hindi ko alam kung bakit ako napatigil. Ano nga ba niya ako? Friend? Technically, magkaibigan naman kami diba?

"Ma, she's my girlfriend."

Agad akong napatingin kay B-bomb pero tinaasan niya lang ako ng kilay as if daring me to correct him.

"Aba't napaka-ganda naman ng girlfriend ng anak ko!" Muli akong napatingin sa mama niya na nakatingin pa din sa akin ng may mas malaking ngiti.

And then, biglang kumunot ang noo niya na parang pinag-aaralan niya ako.

"Hmm. Bakit parang nakit-"

"Ma." Pagpuputol ni B-bomb sa sasabihin ng kanyang mama, "Let's have lunch? Nakalimutan ko na kung gaano nga pala kahaba ang byahe papunta dito."

Mukha namang natauhan ang mama niya dahil muling bumalik ang kanyang ngiti, "Sakto! Kakaluto ko lang ng pagkain. Oh, dali, pumasok na kayo. Welcome to my home."

Pumasok na ako sa bahay at hindi nakawala sa akin ang sinabi niya. Welcome to my home. Hindi welcome to our home. Siya lang ba ang nakatira dito?

Iginala ko ang tingin sa loob. Malinis siya at napaka-homey. Pero napansin ko din na walang kahit isang family picture na nakalabas.

Tiningnan ko si B-bomb na kasalukuyang kausap ang mama niya. Kita ko sa mukha nila na na-miss nila ang isa't-isa. Gaano katagal na ba silang hindi nagkikita? At bakit nga ba hindi sila magkasama? Nasaan ang papa ni B-bomb?

Anong nangyari sa pamilya niya?




Pagkatapos kumain ng tanghalian, pinaalis muna si B-bomb ng kanyang mama at binilhan ng listahan ng mga dapat bilhin sa market. Magco-complain na sana si B-bomb pero ipinaalala ng mama niya na birthday niya ngayon kaya ayun.

So kasalukuyang nasa kusina kami ngayon ni tita at tinutulungan ko siya sa paghuhugas ng mga kinainan namin.

Hindi naman awkward ang lunch namin dahil unlike B-bomb, napakadaldal ng mama niya.

Sunod-sunod ang mga tanong niya: kung paano kami nagkakilala, kung kamusta na ang pag-aaral namin, kung kamusta na ang mga kaibigan ni B-bomb.

Napansin ko din na naging interesado siya sa pamilya ko dahil maya't-maya ang pagtatanong niya, which I find slightly confusing pero hindi ko na lang ito pinansin dahil baka sadyang curious lang talaga siya.

"Thank you for bringing my son here, Ciara." Nagtataka akong tumingin kay tita na katabi kong nagpupunas ng mga hinugasan ko.

"Po? Um, hindi po ako ang nagsabi kay B-bomb na pumunta dito." Shit. "I mean, hindi ko po alam na dito kami pupunta. Sinabi lang niya po na-"

Welcome to the BlockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon