Block 18

4.3K 196 20
                                    

※※※※※※※※※


[CIARA]





Binuksan ko ang pintuan ng bahay at tumakbo papasok nang sinalubong na ako ni dad. Agad niyang hinawakan ang braso ko at iginala ang tingin sa akin.


"Okay ka lang ba, anak? Sinaktan ka ba nila? May ginawa ba sila sayo?" I released a sigh of relief. He's safe. Though he looked like he aged 10 years dahil sa pag-aalala na kita sa kanyang mukha, "Kakadating ko lang galing sa trabaho at nag-iwan ng voicemail si L.Joe! Sinundan ka daw ni LJS?!"


"Dad. Dad." Hinawakan ko ang balikat niya. "Okay lang ako. It was nothing. A harmless warning, maybe. Pero hindi niya ako sinaktan. I'm okay."


Huminga ng malalim si dad at mukhang na-relax naman siya ng kaunti. But I still need to ask him things. I better not be in the shadows anymore.


"Dad, sino si Lee Jung Seob?"


Gulat siyang tumingin sakin, obviously not expecting my question. May pagtatanong sa mga mata niya – siguro para itanong kung paano ko nalaman ang pangalan na iyon – but thought of it at sumuko na lang.

"Let's talk in my office." Sabi niya at dumiretso na papunta sa office niya.





I closed my eyes and inhaled. Kailangan ko nang i-prepare ang sarili ko sa bago pang mga revelation. Sigh.


This has been a long day.


Pagkapasok ko sa office ni dad, nakita kong nakaupo na siya sa likod ng kanyang desk, as if we're having a business meeting. Tinuro niya ang upuan na nasa harapan niya at doon ako umupo. Yup, I guess we're talking business this time.


Pagka-upo ko, agad na siyang nagsalita. Hindi man lang ako binigyan ng time na mag-prepare mentally.


"Si LJS ang loan shark."

Okay, alam ko na yun.

"At siya din ang business partner kong nagtakbo ng pera natin."

WHAT.

IN THE ACTUAL.

HELL?!


Nakanganga akong nakatingin sa kanya ng ilang segundo bago mag-process sa utak ko ang kanyang sinabi.


"Oh?! Then ano pa ang hinihintay natin? Bakit hindi na natin siya iharap sa mga pulis?!" Tumayo ako at hindi na napigilang sigawan si dad. Yun naman pala eh! Bakit ba kami tumatakbo pa?!


"No! Ciara, think!" Tumayo na rin siya sa kanyang pagkakaupo at lumapit sa akin.

"Wala pa akong sapat na ebidensya laban sa kanya - mga papeles at data - at lalo lang siyang naging delikado dahil isa siyang loan shark. Ibig sabihin lang nito na madami siyang shady business na nakatago which makes him even more dangerous." He paused and breathed.

"Idagdag mo pa diyan na kilala niya ako at alam niya ang mga bagay na maaari niyang ilaban sa akin."

Tiningnan niya ako ng seryoso - yung tingin na kahit anong sabihin ko, alam kong final na ang decision niya. "Kailangan muna nating mag-ingat, anak. We will wait, but we will also be cautious. Pero sa oras na nasa akin na ang lahat ng kailangan, sisiguraduhin kong ipaparanas ko sa kanya itong hirap na pinagdadaanan natin ngayon."


Napatango na lang ako pero may sinabi siya na dumikit sa utak ko.


"Dad, anong ibig mong sabihin na kilala ka niya? At paano naman niya malalaman yung mga kahinaan mo?"


Welcome to the BlockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon