Block 13

8.6K 376 85
                                    

HI HELLO!!!! After 3 years!! Finally!!! So, you guys might want to read everything again (sorry) kasi nire-write ko siya and may mga bagay na dinagdag ako sa ibang chapters, and I'm sure na hindi niyo na maalala ang past chapters so... SORRY AND THANK YOU FOR WAITING!!


  ※※※※※※※※※ 


[CIARA]


"Are you freaking kidding me?" bulong ko sa sarili ko nang paglabas ko sa bahay, nakita ko sa di kalayuan si L.Joe na nakasandal sa isang lamp post.


Nagsimula na akong maglakad, at nang naramdaman na niya ang presensya ko, agad siyang tumingin sa direksyon ko, at ngumiti.


I just rolled my eyes at binilisan ang lakad. Ramdam ko ang presensya niya na sumusunod sa akin and after some moment of silence, bigla siyang nagsalita.


"Ayaw mo bang kilalanin ang fiancé mo?" mapaglaro niyang tanong. Tumigil ako sa paglalakad at tumalikod sa direksyon niya.


"You are not my fiancé." I growled. "You are not anything in my life. Hindi kita kilala at hindi ko kailangan ng pagbabantay mo so would you just leave me alone?" galit kong sabi sa kanya. This was the final straw. 


Ilang days ko ring tiniis sila ng mga tauhan o kaibigan niya sa pagsunod sa akin. Ilang araw ko ding hinayaan na lang mawala ang privacy ko dahil kahit saan ay sinusundan nila ako. But it all ends here.


Itinaas niya ang pareho niyang kamay in surrender, "Geez, sorry. Chill." 


Itinaas ko ang kilay ko at hinintay ang sunod niyang sasabihin, pero nang nakatitig lang siya sa akin with an amused smile on his freaking attractive face - damn him - I turned my heels at nagsimula na ulit maglakad. Damn, sure na late na ako sa first class ko nito.


Hinabol ako ni L.Joe sa paglalakad at tumabi sa akin. Hindi ko na lang siya pinigilan dahil masasayang lang din ang energy ko. Grabe, hindi pa nga ako nakakatapak sa school, pagod na agad ako.


Thank heavens at tumahimik na naman siya. Pero nang malapit na kami sa school, bigla siyang nagsalita.


"Ayaw mo bang makilala kung sino si LJS?" natapilok ako sa tanong niya at ready na akong mapasubsob sa lupa nang bigla niyang naipulupot ang kanyang braso sa beywang ko. 


"Careful." mahina niyang sabi - just inches from my face. Agad akong tumayo ng ayos at lumayo sa kanya ng ilang hakbang. Oh, hell no, hindi niya ako madi-distract sa attractive close-up face niya, ano.


"Anong sinabi mo? Kilala mo si LJS? Nasaan siya?" I asked. Hindi ko na maitago ang desperasyon sa boses ko.


Na-mention nga ni daddy na mukhang may impormasyon si L.Joe tungkol kay LJS, and I need it now. Any of it.


Sa di kalayuan, narinig ko ang pag-ring ng first bell ng school pero hindi ko ito pinansin, at nakatingin lang kay L.Joe habang hinihintay ang sagot niya. Though he just gave me a small smile na para bang naaawa siya sa akin - sa sitwasyon namin.

Welcome to the BlockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon