Welcome to the Block
© January 2013 Krisylala
※※※※※※※※※
Nakarating ako sa bahay sa pamamagitan ng paglalakad simula sa school na pinapasukan ko. Temporarily.
Pagkapasok ko sa bahay, bumungad sa akin ang mga kahon at maleta.
Tsk. I was expecting this. Pero di ko inakala na ganito kaaga. We've only been in this neighborhood for like what, 2 weeks?
Lumabas si daddy mula sa isang kwarto habang may dala-dalang isa pang kahon.
"Anak, we're moving."
Well, I can see that.
"Psh. Hindi na ako magugulat."
Nagsimula na akong maglakad nang bigla naman syang nagsalita.
"Konting tiis na lang. Babalik na rin tayo sa ginhawa."
Napailing na lang ako at dumiretso na sa kwarto ko.
Ginhawa? Paano namin mararanasan ulit yon kung lagi kaming tago ng tago?
Hindi ko nga alam kung bakit biglang nawala ang pera namin in the first place eh. But I have a hunch na it's one of dad's business partners. Either tinakbo nila ang pera or sobrang bobo lang talaga nila mag-handle ng pera.
At kapag nalaman ko lang talaga kung sino yon, paparanas ko sa kanya 'tong nangyayari samin ngayon.
Do I need to make it more obvious? We're rich. Filthy, shitty rich, and I hate it. Tingnan mo nga ang kinadatnan namin dahil sa kayamanan na yan.
Isang Jung Min Suk, na-bankrupt? Masyado kasing mabait itong si daddy kaya hindi na nya alam kung sino ang nandadaya sa kanya.
Haaaaay, kung buhay pa sana si mama edi na-resolba na agad tong problema. Edi sana pinahanap na ni mama ang kung sinumang may kasalanan at binungangaan ng mga sampung minuto.Samantalang si dad, eto, tago ng tago.
At dahil nga na-'bankrupt' kuno kami, wala nang ibang choice si daddy kundi umutang at mag-loan ng mag-loan. At ang masama, sa isang loan shark pa.
At ang isa pang masama, hindi kilala ni dad ang pagkatao nya. Kahit mukha! Nagpapaka-anonymous daw yung loan shark na binabalikan ni daddy. Mamaya kausap na pala namin sya, wala kaming kamalay-malay.
Ang alam lang namin ay ang kanyang initials--LJS.
Kung hindi ka nga naman... Ugh!!!!
Inayos ko na ang mga gamit ko at pinagkasya sa isang maleta at maliliit na kahon.
Yung mararami at mamahalin kong gamit? Tinapon ko na.
Para saan pa? Pampabigat lang yon. Siguro dadating ang araw na lilipat ulit kami, isang backpack na lang ang dala ko.
BINABASA MO ANG
Welcome to the Block
Adventure"Whatever you do, don't cross the border. Don't ever go to Block B."