XXV: Three Words

403 16 3
                                    

Asya's POV

I love you for Athan means death. Ikakamatay niya ang salitang iyon? Kung gano'n, para na rin niyang sinabi na kamatayan ang magmahal. Siguro ay ito ang pinagmumulan ng takot niya. Dahil kapag ang taong pag-aalayan ng pagmamahal niya ay hindi naman talaga ang nakatakda sa kanya, kamatayan ang kapalit. He's doubting my feelings for him, that's why he's unsure if I do love him enough to free him from the curse.

Ang lakas niyang makaangkin sa'kin pero nasaan siya? Ni hindi ko nga nakita kahit ang anino niya kahapon. Bakit? Dahil natatakot siya? He keeps on saying that I am his, but he left me hanging. Oo, iniwan ko siya noong isang araw pero para isalba ang sarili ko sa mas matinding sakit. I ran away from him but that doesn't mean that I'll stop loving him. Hindi ko pipigilan ang sarili ko para mahalin si Athan, pero hindi ko alam kung hanggang saan ang kaya kong ibigay o kung may maibibigay pa ba ako. I gave him all of me. I don't think I still have something left in me.

Hope. Iyan siguro nalang ang natira. Umaasa ako na makakawala siya sa takot na pumipigil sa kanya. Again, I am hoping for something. I just can't help it. Inihanda ko na ang sarili kong mabigo kahit na gusto kong isipin na matututo rin si Athan na iwan ang takot para magmahal. Ang naging sagutan namin ni Athan at ang pag-iwas niya sa tinatanong ko ay sariwa pa rin sa utak ko. That was one day ago, pero napakasakit pa rin. Nagawa ko namang gawin ang trabaho ko kahapon kahit na may kulang, kahit na pakiramdam ko ay kailangan ko ng time-out sa mga nangyayari, at kahit na nasasaktan ako ay si Athan pa rin ang naiisip ko.

Just like a line from Keri Hilson's song: "Sometimes love comes around. It will knock you down. Just get back up when it knocks you down."

Yes, you will fall. Mahuhulog ka talaga kasi nagmamahal ka. It's either, he will catch you or he will just let you fall. Sa nangyari sa'kin, ramdam kong sasaluhin ako ni Athan pero mas pinili niyang saktan ako. Kung pwede lang na ipasa ko sa kanya ang nararamdaman ko, for him to feel how much it hurts.

Tumunog ang cellphone ko na nasa sidetable na siyang nagpabalik sa lumilipad kong utak. May mensahe galing kay Clark.

Clark: Lois Lane, Wer na u? Here na me sa baba! =D

Napabuntong-hininga ako bago sinagot ang text message ni Clark na bababa na ako. Nawala sa utak ko ang kung anong oras na. Buti nalang at nakabihis na ako at nakapag-ayos na. Bago tuluyang lumabas ay tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin. Puting sleeveless blouse, tight jeans at flat shoes lang ang isinuot ko. Wala naman kasing sinabi si Clark kung saan kami pupunta at isa pa, dito ako komportable. Pumikit ako at pagdilat ko ay gano'n pa rin ang nakikita ko sa mga mata ko. It's gloomy and dull, and no matter how I tried to cover the pain, it just show. Hindi ko ito kayang pagtakpan.

"You look perfectly simple, Lois Lane," salubong sa'kin ni Clark. Nakatayo siya sa tabi ng kanyang itim na Escape na binuksan ang pinto ng front seat para sa akin. "Panira nga lang 'yang hindi mo pagngiti. Nagtoothbrush ka ba?"

"Ewan ko sa'yo, Jejeman!" sabi ko. Kinurot ko ang tagiliran niya bago siya inirapan at pumasok sa kanyang kotse.

"Jejeman? So, from Superman ay nag-evolve ako into a jejeman? Bakit ang panget ng new name ko?" tanong niya nang makaupo siya sa may driver's seat saka pinaandar ang kotse.

AthanasiusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon