IV: I am

441 21 1
                                    

Asya's POV

Pang-apat na araw ko na dito sa kompanya ni Mr. Cuavo pero hanggang ngayon, hindi parin nagsi-sink-in sa utak ko na heto't nagtatrabaho ako sa isa pinakamalaking kumpanya sa bansa. At hanggang ngayon, hindi parin ako kinakausap ni Mr. Cuavo. Ang huling pag-uusap namin ay no'ng interview ko pero pagkatapos no'n, wala na. Kakausapin lang niya ako kapag may tinanong ako sa kanya o kung may kailangan siyang ipagawa sa akin. Para anupa't kinuha niya ako bilang sekretarya pero para namang may malaking harang siyang inilagay sa sarili niya palayo sa akin. Kagaya nalang nitong salamin na nakapagitan sa opisina niya at sa kinaroroonan ko. Ang boring tuloy dito. Ang tahimik pa. Umaga at tuwing uwian ko lang naman kasi nakikita si Mr. Cuavo. At hanggang tingin lang ang ginagawa niya kapag binabati ko siya. Napapaisip nga ako kung ano ang ginagawa niya sa loob ng kanyang opisina. Siguro'y nagpapakasubsob sa trabaho tapos tuwing gabi, mga babae naman ang pinagkakaabalahan niya.

Napanguso ako. Ano ba naman 'tong pinagiisip ko? 

Napalingon naman ako sa elevator na ilang dipa lang ang layo mula sa aking kanan. Tumunog ito saka bumukas kasabay ng paglabas ng dalawang babae - sina Karen at Macy na mula sa Sales Department. Nakilala ko sila nang i-tour ako ni Ms. Leona sa building bago siya nagretiro. Nagulat nga ako na ako ang papalit sa pwesto niya bilang Secretary ni Mr. Cuavo. Ako lang pala ang hinihintay niya para makapagretiro na. Nakakagulat pero tinanggap ko narin na ito ang trabaho ko dito. Masama ang mamili ng trabaho dahil sa panahon ngayon, mahirap humanap ng pera at ng mapagkakakitaan.

Nakangiting lumapit sila sa akin. "Asya, tara na. Lunchtime na kaya." Pag-aaya ni Macy habang may pinipindot sa kanyang cellphone.

Tiningnan ko ang oras sa taskbar ng computer na kaharap ko. Hala! 11:30am na. 11:20 am ang simula at hanggang 12:30 lang ang lunchbreak namin. Hindi ko na namalayan ang oras dahil sa dami ng ginagawa ko.

"Sandali. Isi-save ko lang 'tong file." Sabi ko sa dalawa.

Nakita ko naman sa gilid ng mga mata ko si Karen na lumapit sa kaliwa ko at parang kinikilatis ang salamin na dingding.

"Andyan pa kaya si Sir?" Tanong niya habang nakaharap parin sa salamin na dingding.

"Siguro. Hindi ko pa kasi siya nakikitang lumabas." Sagot ko. Ini-off ko na ang computer at tumayo saka kinuha ang bag ko.

"Halika na, Karen. Nagugutom na ako. Malay mo, makasabay nating kumain si Sir Athan." Sabi ni Macy saka hinila na si Karen na nakangisi. Iniangkla naman niya ang kanyang braso sa kaliwang braso ko kaya napapagitnaan namin siya ni Macy.

"Tama! Baka nga makasabay natin siyang kumain. Kung gano'n, e siya nalang ang kakainin ko. Whatcha say, girls?" Tinaas-baba niya pa ang kanyang kilay habang ngiting-ngiti dahil sa naisip niyang kaberdehan.

"Tse! Huwag mo 'kong hawaan ng pagiging lumot mo, Ren, ah." Nauna nang pumasok si Macy sa elevator habang napapailing. 

"Sus! Kunwari ka pa. Lahat ng mga babae dito. Single, taken, o double - lahat may HD kay Sir Athan. Right, Asya?" Sabi ni Karen habang nakatingin sa akin at may ngiti sa mukha na para bang tama ang kanyang mga sinabi.

AthanasiusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon