Asya's POV
Napapikit ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko mula sa salamin na bintana ng kwarto ko. Nagmulat ulit ako at napansing nakahawi pala ang kurtina nito kaya nakapasok ang nakakasilaw na liwanag. Sinigurado kong sarado ito kagabi pero bakit nakabukas na 'to ngayon? Ayoko ng isipin pa, siguro nakalimutan ko lang talagang ibaba 'yung kurtina kagabi dahil sa sobrang antok.
Bumangon na ako at nag-unat habang nakaupo pa rin sa kama. Napahikab ako. Inaantok pa ako. Titingnan ko na sana ang oras sa orasan sa bedside table ko nang may mahagip ang mga mata ko sa gilid ng nakabukas na pintuan ng kwarto ko.
Si Athan!
Nakasandal siya sa dingding habang naka-crossarms. Nakatitig siya sa akin na para bang sinusuri ang bawat galaw ko. Na para bang ang tagal na niyang nakatayo doon.
"Sir Athan?"
Tumaas ang sulok ng labi niya at sa isang iglap lang ay nakalapat na ang labi niya sa labi ko. Shocks naman, o! Ang aga naman niyang magpatindig ng balahibo. At mas lalong nawindang ang kagigising ko lang na diwa nang gumalaw ang labi niya at marahang kinagat ang pang-ibaba kong labi. Pagkatapos ay inilayo na niya ang kanyang labi sa'kin pero nanatiling malapit ang mukha namin sa isa't-isa.
"I told you. Don't call me 'Sir' when we're not in work. Buti nalang at halik lang ang ginawa ko sa'yo. 'Cause if I lose control..." Bumaba ang tingin niya sa mga labi ko saka muling tumingin sa mga mata ko. "... I'm sure as hell that you will scream my name at the top of your lungs."
"Close your sweet mouth, Asya. It's tempting." Seryosong wika niya saka tumalikod at humakbang palabas ng kwarto.
Nakatitig lang ako sa pinto ng kwarto kahit pa matagal ng nakalabas si Athan. Napalunok ako dahil alam kong seryoso siya sa kanyang banta. Napatunayan niya na 'yun dahil sa ginawa niya sa'kin ngayon lang.
Yuck, Asya! Hindi ka pa nakakapagmumog tapos nagpahalik ka na kay Athan? Dapat nag-toothbrush ka man lang o kaya sinabi mo sa kanya na 'time-first' muna. Sulsol ng kunsintidor kong utak.
Sino ba naman kasi ang hindi magugulat kapag may nakita kang gwapong nilalang, early in the morning? E di nadulas tuloy ang bibig ko.
"Asya! Do all your morning ritual now. Or you want me to get there and help you with it?" Sigaw ni Athan na sa tingin ko ay nasa kusina.
Mabilis pa kay The Flash akong tumayo at pumasok sa banyo. Bakit ba siya nagmamadali? Inaantok pa kaya ako.
Nagpalit ako ng pambahay; isang sleeveless white shirt at cotton short. Naabutan ko si Athan sa kusina na nakaharap sa stove. Nakatalikod siya sa'kin kaya hindi niya napansin ang pagdating ko. Kumuha ako ng baso at nagsalin ng tubig mula sa maliit na fridge. Umupo ako sa high-chair stool at nakitang nakatitig na pala sa'kin si Athan. Halos masamid pa ako nang makita kung ano ang ayos niya. Nakasuot siya ng muscle shirt at stripes na boxer shorts na napapatungan ng kulay-pulang apron. Dahil sa suot niya, kitang-kita ang perfect biceps niya and I'm sure, behind those clothes is a perfect body, too. Argh! It's summer but Athan looks hotter and I feel hot, as well.
BINABASA MO ANG
Athanasius
Misteri / ThrillerAthanasius can be the man of your dreams. He has the money, the to-die-for body, the face of a demigod, and the will-melt-you charisma. But are you willing to accept all his dark secrets, his fears, his history, and his consequences? Will he be able...