V: Strange

518 19 11
                                    

Asya's POV

Iniligpit ko na ang mga gamit ko para makauwi na. Five minutes nalang din naman ay out ko na. Nakakahiya rin naman kay Sir Floyd kung paghihintayin ko siya. Nakatanggap kasi ako ng mensahe kanina mula sa kanya na may sasabihin raw siya. Kung si Sir Athan ang may sasabihin, pwede naman niyang sabihin sa akin ng personal. E salamin na dingding lang naman ang nakapagitan sa amin. Bakit ba siya natatakot?

Ang gulo din niya. Pagkatapos niyang sabihin sa akin na siya at si Athanasius na nakilala ko five years ago ay iisa, ay pinaupo niya lang ako doon at mukhang ewan na naghihintay sa susunod niyang sasabihin. Tinanong ko siya kung bakit sinabi niya iyon sa akin at kung bakit niya ako tinutulungan. Pero wala akong nakuhang sagot. Zero. Nothing. Zilch. Bokya! Naka-zipper na ang bibig ni Sir Athan. Kinausap niya lang ako nang sabihin niyang maaari na akong lumabas. Ilang minuto lang din ay umalis na siya at iniwan na naman akong punung-puno ng katanungan sa aking utak.

Noon, nagdadalawang-isip  ako tungkol sa kutob ko na iisa lang sila dahil sa pagkakaiba ng ugali sa Athanasius na nakilala ko sa park at sa Athanasius na Boss ko ngayon. Mas masaya ang aura ni Athanasius 'Past' kaysa sa Athanasius 'Present'. But the way Athanasius 'Present' looks at me, is still the same from the Athanasius I ate ice cream with - five years ago.

Mababaliw na yata ako. Huwag naman sana! I'm still young and most of all ... Single pa! Kaya huwag muna.

Napabuntong-hininga na lamang ako. Sumakay na ako sa elevator at pinindot ang G button. Nakita ko kaagad si Sir Floyd sa parking lot na nakatayo sa gilid ng itim na sasakyan. Tiningnan ko ang relo ko at napanguso nang makita kung anong oras pa lang. Ang aga, ah! Naunahan pa ako.

"Magandang hapon, Asya." Salubong na bati niya sa akin. Umikot siya at pinagbuksan ako ng pinto sa driver's side.

"Magandang hapon din po, Sir Floyd." Ganting-bati ko sa kanya saka pumasok na ng sasakyan.

"You should stop calling me 'Sir'. It's too formal. Sabi ko naman sa'yo na Kuya nalang ang itawag mo sa akin." Puna niya. Pinaandar na niya ang kotse.

"Hindi naman po kita kapatid... Pero kung 'yun ang gusto niyo, e di sige, Kuya na ang itatawag ko sa inyo. Mapilit ka rin, e." Sabi ko. Natawa si Sir - este, Kuya Floyd sa sinabi ko.

"Hindi ka talaga natatakot na sabihin ang kung anong nasa isip mo. Straightforward as always." Nakangiti siya habang napapailing. "And you know what, Athan was really pissed off whenever you call him Mr. Cuavo. Kung formal na ang pagtawag mo sa akin ng Sir Floyd, mas formal naman ang tawag mo kay Athan."

"Sir Athan na ang tawag ko sa kanya. The employees call him in that manner kaya nasasanay narin ako." Sabi ko habang pinapanood ang mga nadadaanan naming malalaking building at mga establishments.

Naiinis din pala si Sir Athan. Akala ko, puro poker face at mariing pagtitig lang ang ginagawa niya. Ano kaya ang itsura niya kapag naiinis? Ah! Tama! Naaalala ko no'ng pinatalsik niya sa trabaho si Bryan na hindi ko alam kung ano ang dahilan. Napapanguso talaga ako tuwing naaalala ko ang insidente na 'yun. Para kasing dragon si Sir Athan nang mga oras na 'yun at galit na galit na binugahan si Bryan. May PMS siguro si Sir noon at kawawang Bryan, siya pa ang napagtripan.

AthanasiusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon