Asya's POV
"5 minutes more, baby." Pangungulit ni Athan sabay siksik ng kanyang mukha sa aking leeg.
"Kanina pa 'yang 5 minutes mo, Athan, ha! Bumangon ka na. Male-late tayo sa trabaho natin," pangungumbinsi ko sa kanya na kanina ko pa ginagawa. Kanina pa tumunog ang alarm ng phone ko, pero heto't ayaw bumangon ng Cuavo na 'to.
Isang mahinang ungol lang ang sinagot niya. Kaagad namang nanindig ang balahibo ko sa katawan ng dumampi ang labi niya sa leeg ko, kasabay rin ng pagdikit ng matigas na bagay na 'yun sa hita ko. Mygods! Wala bang kapaguran si Athan at ang bakal na 'yun sa baba? Kagabi pa ang lalaking 'to. May unlimited energy yata si Athan. Parang naka-unli vitamins lang.
"Athan! Behave!" Pinipilit kong patigasin ang boses ko para maniwala siyang hindi ako naaapektuhan sa pagkiskis ng bagay na 'yun sa hita ko. Kahit pa nagsisimula nang uminit ang pakiramdam ko.
"I just can't get enough of you, Asya." Aniya sa paos na boses.
"A-athan naman. May meeting ka pa mamaya sa board kasama si Matt. Then at 1pm, you have an appointment with C-clark," paalala ko sa kanya. Nanahimik naman siya bigla.
Si Clark nga pala. Kailangan ko siyang makausap. Ni hindi man lang kasi niya ako kinamusta. No call. No text. Hindi ko rin siya matawagan. Pati narin sa kompanya, ay hindi ko siya mahagilap. Oo, masakit ang mga binato niyang salita sa'kin, pero naiintindihan ko kung bakit niya nasabi ang mga 'yon. May pinaghuhugutan kasi siya. Kaya hanga't maaari ay ako na ang unang kakausap sa kanya.
Naramdaman ko ang pagluwang ng yakap ni Athan sa akin. Tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa hita ko. Hinayaan naman niya ako. Sumuko na yata-- O hindi?
"Ayaw mo talaga? Even just a quickie?" tanong niya na may kasamang pagpungay ng mga mata, at pagnguso.
Ohgods! Saan niya natutunan ang pa-cute moves na 'to? Pero no! Hindi naman pwedeng ganito lagi. Na puro sexy time. Kaya umiling ako at bumangon na.
Tumayo na rin si Athan. Pero halos lumuwa ang mga mata ko dahil hindi man lang tinakpan ni Athan ang junior niya. He's even grinning at me. Natutuwa pa yata sa nakikitang reaksyon sa mukha ko.
Binato ko siya ng unan. "M-ma-maligo ka n-na nga!"
Kainis naman. Nautal pa ako. Nakakabuhol naman kasi talaga ng dila ang kahabaan, katabaan, kalakihan ng a... Abs ni Athan.
Suminghap ang loko. "Alright. Let's go, buddy. The cherry doesn't want you. Tayo nalang muna, ha?"
Pinigilan kong huwag matawa. Mukha kasing timang si Athan habang nakatingin at kinakausap ang ano niya habang papasok sa banyo. Ang kanina ko pang pinipigilang paghinga ay naibuga ko. Kung gano'n ba naman ang makikita mo tuwing umaga, malamang, sakit sa puson, I mean, sa puso talaga 'yun.
"Are you really sure, baby? Ayaw mo talaga?" lumabas uli sa banyo si Athan. Nakasandal siya sa gilid ng pinto ng banyo. Hubad pa rin ito at nakaturo ang tuwid na tuwid na daan sa direksyon ko. Tumutulo pa ang tubig sa ulo niya patungo sa kanyang abs hanggang sa 'daang matuwid'.
What a delicious view!
"Kawawa 'to, oh." Inginuso niya ang bagay na 'yun sa pagitan ng kanyang hita. "He wants your cherry. I want you."
"Athanasius!"
Ang sarap pakinggan ng halakhak niya nang muli itong bumalik sa loob ng banyo. Tuwang-tuwa sa pang-aasar sa akin. Hindi man lang nag-abalang isara ang pinto. As if I will take his bait. Hay. Ang kulit!
BINABASA MO ANG
Athanasius
Mystery / ThrillerAthanasius can be the man of your dreams. He has the money, the to-die-for body, the face of a demigod, and the will-melt-you charisma. But are you willing to accept all his dark secrets, his fears, his history, and his consequences? Will he be able...