XVIII: What?!

463 13 6
                                    

Asya's POV

Ilang oras lang ang naging tulog ko kaya nang tumama ang sikat ng araw sa mga mata ko ay pinilit kong pumikit ulit nang nakatalikod sa bintana. May mga rason kung bakit maikli lang ang naging pagtulog ko. Una dahil nawili ako sa pakikipagkwentuhan sa mga kapatid ko, kay Tiya Salud at iilang kaibigan na pumunta para sa munting salo-salo kagabi. Mas nakausap ko sina Alannah at Aidan - my two younger siblings - dahil si Ate Lei ay busy para sa kasal niya. Hindi ko sinabi sa kanila ang tungkol sa ginawa ni Chris sa akin. At wala rin akong balak sabihin sa kanya.

And the other reason was Athan. Oo nga't nakahiga na nga ako at handa nang matulog kagabi pero ayaw naman akong dalawin ng antok. 

What happened in Athan's car kept on playing in my head. Gasgas na ang scenario na 'yun sa utak ko, pero hindi pa rin nagsasawa ang parte ng katawan kong 'yun na isipin siya. I can still feel Athan's lips - para bang nakadikit na ang labi niya sa labi ko. Para bang nakatatak na sa bawat himaymay ng ugat ko ang nakakakuryenteng pakiramdam kapag magkadikit ang mga balat namin. Then a picture of him with that sexy grin on his face will suddenly popped in my head. Nakakainit ng pisngi!

Kinuha ko ang unan sa tabi ko at itinakip sa aking mukha. I scream at the top of my lungs and wiggles my feet, trying to push out that odd yet wonderful feeling inside my system. But it didn't work. Ayaw ko naman talagang ialis sa sistema ko kung ano itong kakaibang pakiramdam na nararamdaman ko. Kinikilig, I guess.

Nawala ang unan sa mukha ko kasabay ng isang boses.

"Ano'ng nangyayari? Bakit nakatakip 'tong unan sa mukha mo? At nagsisisipa ka?" tanong ni Ate Lei. Nakasuot siya ng puting robe at halatang bagong ligo dahil may nakapulupot pang puting tuwalya sa kanyang ulo.

"Wala, Ate. Ginigising ko lang ang sarili ko." Sagot ko, half-meant.

"Ay, naku!" Napapailing na binato niya pabalik sa'kin 'yung unan. "Akala ko kung ano na. Akala ko sinasapian ka."

Natawa ako sa imagination ni Ate Lei. Mukhang tama rin naman si Ate. Sinasapian nga ako -- ng kilig at nakakabaliw na pakiramdam.

Pumikit ako sabay takip ulit nu'ng unan. Nawala sa isip ko na mamayang hapon na pala ang simula ng kasal nina Ate Lei at Kuya Cliff. Kaya pala naramdaman ko ulit ang pagkawala ng unan sa mukha ko at ang pag-angat ng katawan ko.

"Bangon na! This is not just a typical sunny day, little girl! Kasal ko ngayon! How come you forget it?!" litanya ni Ate sabay higit ng mga kamay ko.

Nakaupo na ako at nakangiting tumingin kay Ate. "Si Ate naman. Of course, alam ko! Special day mo ngayon. Inaantok lang talaga ako, Ate. Uh... Five minutes more? Mamaya pa namang 4pm, e." Itinaas-baba ko ang kilay ko.

But Ate Lei just crossed her arms. She even pouted her lips. 'Yung mukha niya ay parang magtatampo na. Mabilis akong tumayo saka niyakap siya mula sa likod.

"Joke lang! Ito naman." Ipinatong ko ang baba ko sa kanan niyang balikat. "I love you, Ate!"

AthanasiusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon