VIII: Cursed

466 17 6
                                    

Asya's POV

Rumehistro ang gulat sa gwapong mukha ni Sir Athan. Nagbalik sa isip ko ang nangyari limang taon na ang nakararaan. Ang mga pulang ugat na nakikita ko ngayon sa kanyang leeg ay kagaya ng nakita ko noon. The only difference is that it looks brighter than the last time I saw the veins. Ano nga bang nangyayari?

"The veins... Do you still see them?" tanong ni Sir Athan.

Kahit naguguluhan ay tumango ako. Sumilay ang ngiti sa mukha niya. At sa isang iglap lang ay nakakulong na ako sa mga bisig niya. Mahigpit ang pagkakayakap niya na para bang ang tagal na niyang gustong gawin ito sa akin. After that knee-shaking kiss, then this? A tight and warm hug.

"S-sir. Ano po ba talaga ang nangyayari?" Tanong ko nang kumalas na siya sa pagkakayakap sa'kin.

Nakaawang ang mga labi niya. Shocks, o! 'Yan 'yung labing humalik sa'kin kanina na halos ikinalambot ng mga tuhod ko. Umangat ang tingin ko dahil ayokong mapansin ng Boss ko na titig na titig ako sa labi niya.

"Umupo muna tayo. It's better if we're both comfortable before you throw questions at me." Nakangiting iginiya niya ako sa isa sa mga upuang kahoy na may magandang disensyo na nakaharap sa isang maliit na fountain na may mga isda. Ang ilaw mula sa party at ang liwanag ng buwan ang nagsisilbing ilaw na nakadagdag ng kakaibang ambience dito sa kinauupuan namin.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. Hinihintay ko ang paliwanag niya sa lahat ng mga nangyayari at sa mga ikinikilos niya. Kung bakit niya ako biglang hinalikan at niyakap. Kung bakit may mga pulang ugat sa kaliwang bahagi ng leeg niya.

"Hindi ako nagsisisi na hinalikan kita. You're lips is the sweetest thing I ever tasted in my life." Prangkang simula niya.

'Yung halik agad ang introduction niya? Wala sa sariling napatingin ako sa labi niya. Kaagad naman akong nag-iwas ng tingin nang bigla siyang napakagat-labi. Umiinit ang pisngi ko. Nagba-blush ba ako? Kung oo, sana hindi niya napansin.

"Alam kong naguguluhan ka. It shows all over your face and I don't want you to think that I'm playing a trick on you. Mahirap paniwalaan ang mga nangyayari sa'kin at gaya ng sabi ko noon, sasagutin ko ang mga tanong mo hanggang sa makakaya mo." Sandali siyang tumahimik. Nilalaro ko naman ang palawit ng pouch ko na nakapatong rito sa kinauupuan namin.

Narinig ko ang pagtikhim niya bago muling nagsalita. "I'm cursed, Asya... All of us in the Cuavo clan were cursed."

Napatingin ako sa kanya dahil sa isiniwalat niya. Nawala na ang masayang ngiti sa mukha niya at napalitan ng mapait na ngiti. He -- No. They, the Cuavos were all cursed. 

"C-cursed? Bakit? Pa-pano'ng nangyari 'yun? Paano ka makakawala sa sumpa?"

"Long story. But we will be able to break the curse if we will find the one who will be destined for us." Sagot niya sa mga tanong ko habang nakatingin pa rin sa maliit na fountain.

"Paano mo malalaman na 'yung taong 'yun ay ang nakatadhana sa'yo?" Puno ng kuryusidad na tanong ko. 

AthanasiusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon