Asya's POV
Medyo disoriented pa ako nang bumaba galing sa kwarto ko. Ang plano ko na umuwi mamayang hapon ay mukhang gabi na ako makakaalis. Gaya noong nakaraang gabi, hindi na naman naging maayos ang pagtulog ko. Who would have a great sleep if you can still feel the sensation from Athan's lips last night? From his burning touch?
Napakagat-labi nalang ako nang makababa sa may sala habang nakaharap sa pabilog na salamin. I should stop thinking of it. Nakikita ko kasi ang pamumula ng pisngi ko at pansinin talaga kasi maputi ako. Mapapansin rin ang freshly grown pimple sa gilid ng baba ko. In my 20 years of existence, ngayon pa ako tinubuan ng pimple. Kamusta naman 'yun?
Abala ako sa pagsipat ng mukha ko dahil baka may iba pang pimples na papatubo pa lang, nang may marinig akong tumikhim. Gano'n na lang ang gulat ko nang makita kung kanino nanggaling ang pagtikhim na 'yun. Anong ginagawa ng isang Athanasius Cuavo sa bahay ko?
Am I that oblivious sa paligid para hindi siya mapansin sa likod ko? Kinunotan ko siya ng noo pero ngumisi lang siya nang makita ang naging reaksyon ko. Nakaupo siya sa pang-isahang sofa at prenteng nakasandal rito. Inaamin ko, he looks fresh in his printed gray shirt and faded blue shorts. Mas fresh pa siya sa bulaklak na nakalagay sa vase na nasa center table.
"Ano'ng ginagawa mo dito?" tanong ko, napigilan ko ang pagkakabuhul-buhol ng dila ko.
Sa halip na sagutin ang tanong ko ay dahan-dahang bumababa ang tingin niya sa katawan ko. Napansin ko ang pagtagal ng titig niya sa nakahantad kong hita. Nakasuot lang ako ng isang kupas na itim na short at maluwang na puting sando na kapag itinaas ko ang mga kamay ko ay makikita ang gilid ng dibdib ko na natatakpan ng itim na panloob. Muling tumaas ang titig niya at nakita ko ang pag-igting ng kanyang panga at kung paano siya napalunok nang tumigil ulit sa mukha ko ang kanyang mga mata. His bright brown eyes were getting darker. It's as if he's going to put me on fire with just those intense stare. Pakiramdam ko ay pati ang mga internal organs sa katawan ko ay nanginginig na rin dahil sa paraan ng pagtitig niya. I am maybe under his spell, dahil pilitin ko mang umiwas ay hindi ko magawa. His eyes were like magnet and mine were iron - I'm too attached to it that I can't cut the connection.
"Ay, Ate! Gising ka na pala. Si Kuya Athan, siya daw 'yung driver na magsusundo sa'yo na pinadala ng boss mo." Pinutol ni Alannah ang titigan namin ni Athan. Oh, how I wanna thanked my sister from saving me from this hot creature's eyes!
"Alam mo ba, Ate. Kanina pa 'yan naghihintay si Kuya Athan. Gigisingin sana kita kaso ayaw niya. Baka hindi ka raw nakatulog ng maayos dahil sa nangyari kagabi." Pagkukwento ni Alannah na nakaharap sa salamin habang inaayos ang kanyang buhok gamit ang kanyang mga daliri.
Napatingin ako kay Athan dahil sa sinabi ng kapatid ko. He had that sexy grin on his face, saying how correct his assumptions are. Ang confident ng loko! Sure na sure siya na hindi ako nakatulog nang maayos dahil sa ginawa niya kagabi. But I did sleep, okay? Hmm. Mga four hours siguro.
"E ano ba'ng ginawa mo kagabi, Ate? Nu'ng nagpaalam tayo kina Ate Lei at Kuya Cliff, pulang-pula ang mukha mo." Mausisang tanong ni Alannah na nakaharap na sa akin at naghihintay ng isasagot ko.
"Ha? Ano'ng namumula? Sa ilaw lang siguro 'yun. Tsaka ano... Nakagat ako ng langgam." Sagot ko saka dumiretso ng kusina para uminom ng tubig. Nakakanginig! Ayoko mang magsinungaling pero kailangan. Hindi naman pwedeng idetalye ko sa kapatid ko ang ginawa ni Athan sa'kin. That must be censored, no!
"Gano'n ba, Ate? Nawala ka kasi bigla kagabi. E paano ka naman nakagat ng langgam?" Sinundan ako ni Alannah sa kusina. Ang kulit!
"Hindi ko alam," simpleng sagot ko saka inubos ang tubig sa baso.
BINABASA MO ANG
Athanasius
Mystery / ThrillerAthanasius can be the man of your dreams. He has the money, the to-die-for body, the face of a demigod, and the will-melt-you charisma. But are you willing to accept all his dark secrets, his fears, his history, and his consequences? Will he be able...