Asya's POV
Martes na ako nang makabalik sa trabaho. Buong araw kong kasama si Athan kahapon. Gusto ko sanang maghalf-day man lang pero hindi siya pumayag. Pinakansela rin niya ang lahat ng meeting niya, kahit ilang beses kong iginiit na dapat ay puntahan niya ang mga ito. Matigas ang desisyon niyang huwag magtrabaho kahapon at samahan lang ako. He's too persistent, so I let him.
Pumunta ako ng supermarket para mag-grocery dahil mukhang mapapadalas ang paglalagi ni Athan sa apartment. He went there with me and even insisted to pay the bills. Of course I declined his offer. Sa puntong 'yun, ay ako ang nasunod. Kaya buong oras sa mall ay nakasimangot siya. But the frown on his face didn't stop the girls in the mall to drool over him. Ang paghawak niya sa bewang ko at ang hindi niya pagpansin sa mga babaeng nagpapakita ng pagkagusto sa kanya, ang nagpakampante sa kalooban ko, lalo na't hindi ko maiwasang maintimidate sa mga magagandang babaeng umaaligid sa kanya.
"My dear little Asya..." pukaw ni Athan sa akin. Nakabukas na pala ang pinto ng kotse sa gilid ko.
He's fond of calling me that. Gusto ko rin naman. Bakit hindi? Whatever endearment he'll call me, is fine with me. As long as it's Athan.
Lumabas na ako sa kotse saka inirapan siya nang makita ang pagngisi niya. Kanina pa siguro ako nakatulala. At ito namang isa ay tuwang-tuwa. Nauna na akong maglakad sa kanya. Narinig ko pa ang pagtunog ng kanyang cellphone. Business as usual. Binati ko ang dalawang naka-puting polo na guard sa may pinto nang pagbuksan ako. Iilan na lang ang tao sa lobby dahil oras na ng trabaho. And ghad, I'm thirty minutes late! And my one hot of a boss is fine with it! Sa akin ay hindi. Trabaho ay trabaho. Sadyang makulit at mapilit lang talaga ang boss ko.
Bumukas ang elevator, pumasok ako. Tatawa-tawa namang tumabi sa akin si Athan. Kinunutan ko siya ng noo, ng hindi tinitignan. Naiinis pa rin ako dahil ayos lang kay Athan kung hindi ako magtrabaho. Which is contradicting to what I want. Nagtatrabaho ako hindi para sa sarili ko kundi para sa pamilya ko. Kaya no'ng nasa biyahe kami papunta dito ay tahimik lang ako. Ni hindi ko siya pinapansin. He wasn't even affected! Kakainis.
I saw him pushed the stop button and the lift stopped. Ghad! Ano na naman ang plano nito? The last time he pushed that red button was when we had that heart-squeezing argument. Isang pangyayari na ayoko ng balikan. Yet, it helped Athan to realized things. Kung hindi nangyari ang sagutan na iyon ay hindi malalaman ni Athan ang nararamdaman ko sa kanya.
Tinaasan ko siya ng kilay nang humarap siya sa'kin. Pinipilit kong magsungit pero mukhang hindi gumagana sa kanya. Lumawak pa lalo ang pagkakangiti niya. Maybe I'm not used in acting like a b-tch or maybe I now look like a trying hard actress to convince this hot guy in front of me, that I am mad.
Napasandal ako sa malamig na dingding ng elevator nang inilapit ni Athan ang sarili sa'kin. At walang pasabing dinumog ng kanyang labi ang labi ko. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi na ako nakahuma pa. Nabitawan ko ang hawak kong bag dahil sa paraan ng paghalik niya. I need to hold on to something as I kissed him back with the same intensity as his. Mahigpit akong kumapit sa balikat niya. And it felt so good when he moved his body closer to mine. Ugh! Traitor body!
Naglalakbay na ang kamay ni Athan sa hita ko at unti-unti nang pumapaloob sa suot kong itim na pencil cut skirt. Bago pa makarating ang kamay niya sa destinasyon nito ay maagap ko na itong pinigilan. We're supposed to work. Not 'working' each other's body!
BINABASA MO ANG
Athanasius
Mistério / SuspenseAthanasius can be the man of your dreams. He has the money, the to-die-for body, the face of a demigod, and the will-melt-you charisma. But are you willing to accept all his dark secrets, his fears, his history, and his consequences? Will he be able...