Asya's POV
CUAVO - Iyan ang pangalan ng building kung saan ako ngayon nakaharap. Nakasulat ito sa malalaking letra na kulay maroon at nakalagay sa itaas na bahagi na bungad ng building. Nakakalula ang taas ng gusaling 'to. Paroo't parito rin ang mga sa tingin ko'y empleyado at siguro, mga kasosyo ni Mr. Cuavo. Wala naman sa hinagap ko na dito magtatrabaho. Ang gusto ko lang naman kapag nakapagtapos ako ay magtrabaho sa AmorCruise at kapag nakaipon ay magtatayo ako ng negosyo. Gano'n lang kasimple. Kaso sabi nga nila, best things happen when it is unplan. At maaaring ito ang simula ng 'best thing' sa buhay ko away from AmorCruise. Ngayong araw ang interview ko kahit pa ininsist ni Sir Floyd na hindi na ako dumaan sa proseso na 'yun. At ngayong araw ko rin makikilala si Mr. Cuavo. Humugot ako ng malalim na buntong-hininga bago napagpasyahang pumasok na ng building.
Pinagbuksan ako ng dalawang guard na nakabantay sa salamin na pinto. Binati nila ako ng magandang umaga na tinugunan ko naman. Dumiretso ako sa front desk. Sinabi ko ang pangalan at pakay ko.
"Mr. Cuavo is expecting you, Ms. Salvador. Tatawagan ko po muna siya para malaman ang pagdating niyo." Nakangiting tugon ng babaeng si Kayla sa tinanong ko. Napagalaman ko ang pangalan niya dahil sa maliit na nameplate sa kanyang kanang dibdib.
May tinawagan siya sa telepono at sinabi niya sa kabilang linya ang pagdating ko. Pagkatapos nito'y puro 'Yes, Sir' o kaya naman ay 'Okay po' ang sinasagot niya sa kabilang linya. Kapansin-pansin ang pamumula ng pisngi ni Kayla at panay rin ang ngiti nito. Nagpapatawa ba si Mr. Cuavo sa kabilang linya?
"Ms. Salvador. Maghintay po muna kayo sa lounge habang may tinatapos sa kanyang opisina si Mr. Cuavo." Sabi niya sa akin pagkatapos ng tawag habang inilalahad ang kamay para ituro ang mga - sa tingin ko'y mamahalin - na upuan na kaharap lang nitong information desk. Ang gara ng lounge dito.
"Thank you." Pipihit na sana ako para magtungo sa isa sa mga upuan nang may maalala. "Ah. Miss Kayla. Saan pala ang restroom dito?"
Tinungo ko na ang restroom sa binigay na direksyon ni Kayla. Tahimik ang restroom pagkapasok ko. Pumasok ako sa pangalawang cubicle. Ang tagal kong maihi pero kanina halos pigilan ko na ito. Siguro dala narin ng kaba. Habang nakaupo sa toilet bowl at nagco-concentrate para makaihi ay may narinig akong mga yabag na kakapasok lang. Dinig na dinig ang tunog ng takong na yumayapak sa sahig na gawa sa tiles. Mukhang dalawang tao ang dumating dahil narin sa naririnig ko na nag-uusap sa mahinang boses. Narinig ko ang pagpasok nila sa huling cubicle. Ng sabay? At bakit parang nagmamadali yata sila?
Napakislot ako nang malakas nilang isinara ang pintuan ng cubicle. Ang sumunod na pangyayari ay nakapagpangiwi sa'kin at nakapagpainit ng pisngi ko.
"Ohhhhh... That's- that's it, honey. It feels so- uhhhh... D.amn gooood!"
Boses ng isang babae. At base sa paghalinghing at mga sinasabi niya, may milagrong nangyayari sa huling cubicle. Dito talaga ginawa sa restroom? Myghad! Buti nalang at nakisama ang katawan ko dahil naihi rin ako sa wakas. Pero mukhang sa huling cubicle ay hindi pa nakakapagpalabas. Ay, ano ba 'tong iniisip ko?
Malanding dumaing muli ang babae. "Harderrr. Please. Ohhhh! Yes! Yes! Athana--"
BINABASA MO ANG
Athanasius
Mystery / ThrillerAthanasius can be the man of your dreams. He has the money, the to-die-for body, the face of a demigod, and the will-melt-you charisma. But are you willing to accept all his dark secrets, his fears, his history, and his consequences? Will he be able...