VI: Hindi Maaari

495 18 6
                                    

Asya's POV

Tiningnan ko ang itsura ko sa salamin. Suot ko ang puting dress na binili ko kahapon. Inilugay ko nalang ang lagpas-balikat kong buhok tapos ay naglagay ng kaunting foundation at lipstick. Kuntento na ako sa kinalabasan ng pag-aayos ko. Pero panigurado, kung nandito si Ate Lei, pupunain na naman niya ang walang kakulay-kulay kong mukha. Nami-miss ko na sina Ate at mga kapatid ko kahit pa lagi akong kinakamusta ni Ate Lei through text or call. Napabuntong-hininga ako. Makikita ko rin naman sila dahil kasal na nina Ate Lei at Kuya Cliff, dalawang linggo mula ngayon.

Sinuklay kong muli ang buhok ko at pinasadahan ng tingin ang ayos ko bago tuluyang lumabas ng unit. Dala-dala ko ang isang maliit na kulay-puting pouch na kasya ang cellphone ko at ang kulay maroon na gift box na naglalaman ng regalo ko para kay Sir Athan. Paglabas ko ng apartment building ay naabutan ko sina Macy at Karen na naghihintay sa tabi ng isang kotse. May sariling sasakyan si Macy kaya inaya niya akong sumabay sa kanila na tinanguan ko naman. Nagtext si Kuya Floyd na may susundo raw sa akin ngunit mariin kong tinanggihan. Hindi naman ako VIP para sunduin pa. Kaya kahit anong pilit ni Kuya Floyd ay wala ring nangyari. Nanalo na naman ako over Kuya Floyd's pangungulit.

"Ang ganda mo, girl! Baka pagkaguluhan ka do'n sa party." Pambungad kaagad sa akin ni Karen nang makapasok na kami sa sasakyan.

"Hindi 'yan, no. Ano ka ba?" Depensa ko.

"Tama si Karen, Asya. Kahit halos dumaan lang ang press powder at lipstick sa mukha mo, ang ganda mo pa rin. Natural, ika nga." Pagsang-ayon ni Macy saka pinaandar na ang sasakyan.

"Ang dami pa namang bachelors du'n who's looking for their long lost other half. Syet! Baka isa ka na sa hinahanap nila, Asya!" Parang kinikilig na wika ni Karen na katabi ko sa backseat.

"'Wag niyo nga akong pagtulungan. Bakit kayo? Magaganda din naman kayo, ah. Kaya 'wag niyong ibigay sa'kin lahat ng compliments." Sabi ko.

"Agree, girl! At dahil sa sinabi mo, ililibre kita sa Jollibee." Nakangising sabi ni Karen.

"Baliw!" Sabi ko. Natatawa namang umiling si Macy habang si Karen ay nakangisi pa rin habang may kinakalikot sa kanyang cellphone.

Tiningnan ko naman ang invitation card na hawak ko. Kalahating-itim at kalahating-puti ang kulay nito. Kapag bubuksan mo ay gano'n din ang kulay na may nakalagay na detalye ng party. But what wakes my curiosity up is the time the party will start. 11:30pm? Grabe, ang late naman. Sa pagkakaalam ko, 8:00pm usually nagsisimula ang mga party. Bakit kay Sir Athan, thirty-minutes before 12 midnight?

"Hm... Macy. Alam mo ba kung bakit late night gaganapin ang party?" Tanong ko.

"Hindi, e. Bukas pa nga dapat ang birthday ni Sir Athan. Pero I think, it's their family's tradition kaya gano'n." Sagot ni Macy.

"Tradition? Weird, ha?" Sabi ko.

"Uh-huh." Sagot naman ni Karen na nakatingin narin sa invitation card na hawak ko. "Last year, 11:30pm din nagsimula ang 25th birthday celebration ni Sir Deo-oh-so-gwapo! At balita ko rin na gano'n din ang paraan ng pagce-celebrate ng Daddy ni Sir Athan pati narin kay Sir Matt at sa lahat ng lalaking Cuavo. Pero normal lang naman siya na party. Ang oras ng pagsisimula lang ang may pagka-weird."

AthanasiusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon