Asya's POV
"Sigurado ka ba na ayaw mong ihatid ka namin ni Cliff?" Muling tanong sa akin ni Ate Lei habang inilalagay ang panghuling damit sa maleta ko. Pang-apat na beses na niya itong itinanong sa akin.
Umiling ako. "Hindi na kailangan, Ate. Andyan na sa labas ang maghahatid sa'kin."
Tumayo ako at humarap sa salamin ng cabinet ko. Isinoot ko ang isang itim na headband dahil hindi na maaaring itali ang hanggang balikat ko na buhok.
"At isa pa, Ate. Mas kailangan niyo ni Kuya Cliff na pagtuunan ng pansin ang nalalapit niyong kasal. And look..." Umikot ako at humarap kay Ate na nakaupo sa paanan ng kama ko. "Malaki na ako. Mas matangkad pa nga ako sa'yo, e."
"Given na 'yung fact na mas matangkad ka na sa'kin pero hindi mo ako masisisi na hindi mag-alala. Ngayon ka lang mapapalayo sa akin, sa amin ng mga kapatid mo. At isa pa, kahit 20 ka na at magkakatrabaho na... Hindi ka pa rin marunong mag-ayos ng sarili mo. Ano ka, teenager? Pulbo at lipgloss lang, okay na?" Nakahalukipkip si Ate habang sinusuri ako mula ulo pababa.
Napanguso ako. Ano bang mali sa suot ko? White shirt na nakaprint ang salitang GEEK at black tight jeans ang suot ko na tinernuhan ko ng nag-iisang sneakers ko na regalo ni Ate Emmery sa'kin no'ng last birthday ko. Dito ako mas komportable at hindi ko naman kailangang mag-ayos dahil diretso naman akong ihahatid sa tutuluyan ko.
"Ate naman... Alangan namang magsuot ako ng dress at naka-high heels habang dala ang isang maleta, handcarry na bag at backpack. E di nasira ang outfit at poise ko?" Napangiwi ako nang maisip ko ang magiging itsura ko kung 'yun nga ang isusuot ko.
"Binibiro lang kita. Kahit wala kang make-up, maganda ka parin. Sa akin kaya kayo ni Alannah nagmana ng kagandahan." Ngumiti si Ate Lei. Tumayo siya at hinawakan ang mga kamay ko. "Mag-iingat ka doon. Okay? 'Wag magpapagutom. 'Wag kaagad magtitiwala. 'Wag mong kalimutang tawagan ako kung may problema. At --"
"At no boys allowed muna. Unless, naipakilala ko sa'yo... Alam ko na 'yan, Ate. I will keep that in mind. Malapit lang naman ang Davao rito. Kaya i-exhale mo ang mga pag-aalala diyan sa katawan mo. K?" Ngumiti ako kay Ate Lei at hinigpitan ang hawak sa kamay niya para iparamdam sa kanya na magiging mabuti ang lahat, na wala siyang dapat ipag-alala.
Binigyan ako ng mahigpit na yakap ni Ate bago ako nag-ayang lumabas na ng kwarto dahil ayoko namang paghintayin ang maghahatid sa'kin. Naabutan namin sa sala sina Kuya Cliff, Nanay Salud at ang dalawa kong kapatid na sina Alannah at Aidan na nagkukwentuhan. Kasama rin nila ang isang lalaking medyo may edad na - siya raw ang ipinadala para sunduin ako. Napatayo sila nang makita kami. Kaagad namang lumapit ang dalawa kong kapatid sa akin na may lungkot ang mga mukha. Isa-isa nila akong binigyan ng mahihigpit na yakap pero hindi kagaya ni Ate Lei, na andaming bilin. Hindi ko rin naman masisisi si Ate Lei. Siya ang nag-alaga sa aming tatlo mula ng forever na iwan kami ng mga magulang namin. Unang namatay si Tatay dahil sa sakit sa puso at pagkaraan ng isang taon, sumunod naman si Nanay dahil sa komplikasyon sa baga. Walong taon pa lamang ako noon habang si Ate Lei ay labing-tatlong taong gulang. Kaya sa murang edad, namulat na kami ni Ate Lei sa realidad ng buhay. Na hindi gano'n kadali ang mamuhay lalo na't walang mga magulang na gagabay sa amin at may dalawa pa kaming maliliit na kapatid. I will survive and never surrender ang peg namin ng mga kapatid ko. Buti na lamang at nandyan si Aling Salud na siyang naging guardian namin hangga't wala pa sa hustong edad si Ate Lei.
BINABASA MO ANG
Athanasius
Mystery / ThrillerAthanasius can be the man of your dreams. He has the money, the to-die-for body, the face of a demigod, and the will-melt-you charisma. But are you willing to accept all his dark secrets, his fears, his history, and his consequences? Will he be able...