XIV: Scared

400 16 11
                                    

Asya's POV

Dapat ay galit ako kay Athan. I should have slap or hit him, kasi 'yun agad ang gagawin mo kung may taong bigla na lang manghahalik sa'yo. At hindi basta halik lang - it's as if he's punishing me for doing something he didn't like. Halos sakupin ng labi niya ang buong mukha ko, lalong-lalo na ang pisngi ko. Nasugatan pa niya ang labi ko. Nalalasahan ko pa rin nga 'yung dugo galing sa sugat.

But heck, Asya! May gana ka pang ngumiti? You even asked him to eat with you!

Oo, ngumiti ako sa kanya imbes na magalit. Nabawasan kasi ang pag-aalala ko, kahit pa na pagdating ko ay nakita ko kaagad ang mga itim na ugat sa kanyang leeg. Nawala din 'yun pagkatapos niya akong halikan. And I really wanna believe that if Athan kisses me, the black veins will be gone - na mayroong gamot ang mga labi ko para mawala ang mga itim na ugat na 'yun. But I don't want to overthink it. I don't want to expect. Pero kung ang halik ko lang ang kailangan para mapawi ang nararamdaman ni Athan, then I'm very much willing to do whatever he wants to do with my lips.

"Hey. Are you mad at me?" tanong ni Athan na umupo sa silya paharap sa'kin.

Umiling ako. "Hindi."

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. Hindi ako nag-angat ng tingin dahil ayokong salubungin ang mariin niyang titig. Kahit hindi ako nakatingin sa kanya ay nararamdaman ko naman ang mga mata niyang nakatutok sa'kin. May ganoong epekto talaga si Athan sa akin. Yung intensidad sa pagitan namin ay malakas - sa sobrang lakas ay natatakot ako, dahil baka kung ano'ng hingin niya ay mabilis kong maibibigay.

Kumuha ako ng malamig na tubig sa ref na nasa pitsel at dalawang baso. Mukhang tinanggap niya ang alok kong dito na maghapunan.

"Are you scared of me, Asya?" napalingon ako sa kanya dahil sa kanyang tanong.

"Why should I? Bakit? Nangangain ka ba ng tao? Psycho ka ba? Umiinom ka ba ng human blood? Halimaw ka ba? Puma--"

"Natatakot ka ba sa'kin?" pagputol niya sa mga sasabihin ko sa pag-uulit ng kanyang tanong.

Lumapit ako sa kanya. Inilapag ko ang pitsel at mga baso sa harap niya. I'm not breaking the eye contact. Even if he's looking at me like he is reading every bits of reaction in my face.

"No... No, I'm not scared of you. Wala akong makitang rason para katakutan ka, Athan."

I am more afraid of myself, Athan. I am scared of what I am willing to give to please you... to help you.

He broke the intense stare by closing his eyes. Nakita ko ang pagtaas-baba ng kanyang adam's apple. Nang dumilat siya ay isang buntong-hininga ang pinakawalan niya. At nang muli siyang tumingin sa akin ay naging malambot na ang kanyang mga titig. 'Yung mata niya na kulay bright brown at ang pagtitig niya na para bang sinasabing akin ka lang -- ganyang-ganyan ang mga mata niya noong nakilala ko siya sa park, four years ago.

Nag-baba na ako ng tingin tapos ay umupo sa dining chair na kaharap niya. Tumikhim ako. "Uh... Kain na tayo?"

AthanasiusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon