Athan's POV
Asya has been sleeping for ten hours already. Dumaan na kanina ang Doctor na tinawagan ko para ma-check ang kundisyon niya. She said that Asya is fine and she just need to rest. I'm sitting at a chair near her bed. I took her here in her apartment right after the incident. Naghihintay ako na magising siya. Mahimbing siyang natutulog at panatag na ang kanyang paghinga na hindi kagaya kanina - she was shaking and sobbing when I attend to her after I gave that bastard hard blows on his face. I should've hit him more, kung hindi ko lang narinig si Asya na humihikbi. Nakapikit siya pero patuloy pa rin ang kanyang pag-iyak. Nakahinga lang ako ng maluwag nang magmulat siya ng mata habang buhat-buhat ko siya. Panandalian lang 'yun pero ang laking ginhawa ang naidulot sa'kin.
I can't help but to blame myself. Kung hindi ako nagpadala sa galit ko nang makita ko siya noong isang gabi na lumabas ulit kasama si Clark. If I didn't entertained Taranee again. If I didn't let the rage of emotions took over me -- this won't happened. Hindi sana malalagay sa kapahamakan ang buhay ni Asya.
Napabuntong-hininga ako. Hinaplos ko ang kanyang maamong mukha. She looked so fragile and scared. I want to take her fears away. Dahil alam kong may kasalanan rin ako. Marahan kong idinikit ang hinlalaki ko sa sugat sa gilid ng kanyang labi. Napasabunot ako sa aking buhok nang bumalik sa utak ko ang naabutan kong eksena kanina. Chris was on top of her. Wasak na ang suot na pang-itaas niya, her breasts were already exposed, but she's too weak to cover herself. That as-hole Chris! He will really pay for this - or maybe right now, he's already paying for it. I let Floyd to take care of everything. Siya na ang bahala kung ano pa ang gagawin sa lalaking 'yun. But I will make sure that that as-hole will spend the rest of his life behind bars. Para saan pa ang kayamanan, kapangyarihan, at mga koneksyon ko kung hindi ko gagamitin?
Asya is all mine - her heart, her body... Every inch of her. And I will make sure to put a mark all over her.
Hinawakan ko ang kamay ni Asya nang bahagyang kumunot ang kanyang noo. Umawang rin ang kanyang labi. Pagkatapos nito ay unti-unting nagmulat ang mga mata niya. Umikot ang kanyang paningin na para bang inaaninag ang lugar kung nasaan siya. Then her gaze landed on me. And I don't know if I'll put on a poker face or gave her an assuring smile. I did the latter.
"Athan..." she weakly called my name. Pinipilit niyang bumangon kaya tinulungan ko siyang maka-upo at pinasandal sa headboard ng kama.
Bumalot agad ang pag-aalala sa akin nang makita ang pagngiwi niya sabay-sapo ng kanyang ulo.
"What do you feel? May masakit ba sa'yo? May kailangan ka ba? Tell me... Tell me what you feel." I asked continuously with obvious concern in my voice. She slowly shook her head at me.
"O-okay lang ako. Huwag ka nang mag-alala. Teka... Anong oras na ba?" Tumingin siya sa floor to ceiling na sliding door na siya ring nagsisilbing bintana ng kwartong ito.
"Umaga na? Late na ako!" Natatarantang wika niya saka tinanggal ang kumot na nakabalot sa katawan niya.
"No. You stay here." Maawtoridad na utos ko sa kanya. Nilingon niya ako at nagtatanong ang mukhang tumingin sa'kin.
BINABASA MO ANG
Athanasius
Misteri / ThrillerAthanasius can be the man of your dreams. He has the money, the to-die-for body, the face of a demigod, and the will-melt-you charisma. But are you willing to accept all his dark secrets, his fears, his history, and his consequences? Will he be able...