New place. New faces. New voices. New sounds in my ears.
Ang tawanan at sigawan ng mga bata, ang pagtunog ng bell ng ice cream, ang pagsigaw ng mga nagtitinda ng iba't-ibang pagkain, ang mga bulungan ng mga dumadaang tao - these are what I badly need. Weird, I know. Ngunit may mga pagkakataon na nakakasawa rin ang ingay ng syudad pati narin ang katahimikan sa bahay. I've been doing this for two years. Dalawang taon na akong bumibisita sa iba't-ibang public park. Mga thrice or four times a year. Depende sa gulong nangyayari sa paligid ko.
Kaya heto ako, nakaupo sa isang bench dito sa pampublikong parke ng AmorCruise habang nakahilig ang ulo ko sa may sandalan. Dalawang oras din ang binyahe ko para makarating dito, which I don't mind. Dahil maaaring ito na ang panghuling escape-the-reality-activity ko.
Naramdaman ko ang isang presensya sa bench na kinauupuan ko. Nakababa ang bonnet na suot ko hanggang kalahating bahagi ng mukha ko, kaya hindi ko alam kung babae ba o lalaki ang tumabi sa akin. Or maybe not.
Puro buntong-hininga lang ang naririnig ko mula sa katabi ko. Maya-maya pa ay narinig ko na siyang nagsalita.
"Hello, Ate Lei. Bakit laging nafo-forward sa voice messages kapag tumatawag ako? Busy ka ba? Uhh... Kamusta ang biyahe ninyo ni Kuya Cliff? Ingat kayo diyan, Ate, ha? Tsaka ako na ang bahala kina Aidan at Alannah. At okay lang din ako. Si Aling Salud pala ang umakyat ng stage para sa'yo... Naiintindihan ko naman na mara-- Ano ba 'yan? Hindi pa nga ako tapos, naputol kaagad. Hindi narin ako makakatawag pa. Wala na akong load." Sunud-sunod na buntong-hininga ang narinig ko sa katabi ko. Which I confirmed that it's a she.
She has a voice of an angel. 'Yung boses na hindi mo pagsasawaang pakinggan. Dahil dito, napaayos ako nang upo at inayos ko narin ang suot kong bonnet saka ko nilingon ang aking katabi.
"Ay, tae!" Gulat na sambit no'ng babae.
Namumula ang mukha niya. Siguro dahil nahuli ko siyang nakatitig sa'kin lalo na't ilang inches ang layo ng mukha niya sa mukha ko.
"Mukha ba akong tae?" Natatawang tanong ko sa kanya.
Mabilis siyang umiling. "H-hindi. Nagulat lang ako. Saka... Masyado kang gwapo para maging tae lang."
Napangiti ako sa sinabi niya kahit pabulong niyang sinambit ang huling parte na 'yun pero narinig ko pa rin. I stared at her. She's beautiful. Hindi lang ang boses niya kundi pati ang maamo niyang mukha. I can even conclude - based on what I heard awhile ago -that she has a beautiful heart as well. Ngunit hindi rin maitatago ang kalungkutan sa mukha niya. And I don't know pero, gusto ko siyang pasayahin.
Aw, come on, Athan! You just want her. WANT!
I shrugged that fvcking thought. Nagulat naman ako nang bigla siyang tumayo saka tumingin sa akin. May ngiti sa kanyang mukha pero nandoon parin ang pamumula ng kanyang pisngi.
"Gusto mo ng ice cream?" Tanong niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Athanasius
Mistero / ThrillerAthanasius can be the man of your dreams. He has the money, the to-die-for body, the face of a demigod, and the will-melt-you charisma. But are you willing to accept all his dark secrets, his fears, his history, and his consequences? Will he be able...