Asya's POV
Nagawa kong tapusin ang trabaho ko ngayong araw kahit na may masakit sa dibdib ko. Kahit na naglalaro pa rin sa utak ko ang mga narinig ko kay Sir Matt. Oo at wala akong narinig na itinugon ni Athan sa mga sinabi ni Sir Matt pero ang pananahimik niya ang naging dahilan ng pagsakit ng isang parte ng puso ko. Napakagat-labi ako nang maramdaman ang pamimigat ulit ng mga mata ko. Bakit nga ba ako umiiyak? Bakit ko nga ba gagawing big deal 'yun?
Ang mga sinabi ni Sir Matt sa kanya ay madali lang namang sagutin kung hindi niya gusto ang mga sinabi nito. He would've cut him off right away. Athan shouldn't have any second thought about what Sir Matt said, kung hindi tama ang mga sinabi nito - kung hindi niya pag-iisipan ang suhestiyon nito. Alam kong wala ng libre sa mundo. But my body as payment? For his pleasure? S-hit.
Naputol lang ang mga tanong at ideya na naglalaro sa utak ko nang tumunog ang cellphone ko na nasa tabi ng memopad. Nagtext si Macy. Hinihintay na nila ako sa parking lot. 5pm na pala, hindi ko man lang namalayan ang oras. May mga gumugulo sa sistema ko atsaka maliwanag pa rin kasi sa labas. Muntik ko na ring makalimutan na Biyernes ngayon at pumayag akong sumama kina Macy at Karen, pati si Destine. Girls night out daw.
Mabilis kong iniligpit ang mga gamit ko. Tinapunan ko muna nang tingin ang boardroom kung saan nandoon si Athan kasama si Sir Matt. Kanina pa tapos ang meeting nila pero dumating sina Laz at Deo - mga pinsan nila - kaya nagtagal pa sila sa loob. Hindi na ako nag-usisa pa at tuluyan na akong sumakay ng elevator. Dumiretso ako sa parking area na nasa gilid ng building. Nakita ko na sina Macy na kumakaway sa'kin. Ngunit bago pa man ako makarating doon ay nakuha ang atensyon ko ng isang pamilyar na tao na nakasuot ng kulay-gray na polo shirt. Kahit nakatalikod ay nakilala ko pa rin ito.
"Clark!" tawag ko, na nagpalingon sa kanya sa gawi ko.
Tumakbo ako papunta kay Clark na halatang nagulat. Mabuti na lang ay naka-flat shoes ako. Naka-peach na plain dress na hanggang tuhod ang suot ko kaya iyon ang ipinares ko. Hindi ako mahilig sa mga bestida pero dahil kay Athan ay nagsuot ako. Natuwa kasi ang mga paru-paro sa tiyan ko no'ng purihin ako ni Athan na suot ang isang dress noong kasal ni Ate Lei. S-hit ulit. Bakit ko nga ba iniisip ang lalaking 'yun?
"Nandito ka pala. Hindi mo man lang ako pinuntahan," sabi ko na may halong pagtatampo. "No'ng kasal ni Ate Lei, sorry kung--"
My words were cut off when Clark hug me. He usually does this kapag nami-miss niya ako. Pero ngayon, iba ang nararamdaman ko. This is just a friendly hug, Asya. Tama. Wala lang 'to sa kanya.
"Clark," tawag ko sa kanya. "Sorry talaga. Hindi man lang tayo nakapag-usap no'ng kasal ni Ate Lei. At 'yung... 'yung kay Athan, hindi --"
"I miss you, Asya." Pagputol ulit niya at humigpit pa ang yakap niya sa akin. Pakiramdam ko nga ay umaangat na ang paa ko sa ere.
"Mahigit isang buwan lang naman tayong hindi nagkita, a. Namiss mo na ako?" sabi ko, pabiro.
Imbes na sumagot ay isiniksik pa ni Clark ang mukha niya sa kanan kong leeg. Natigilan ako nang maramdaman ang mainit niyang hininga sa balat ko, lalo na't naka-ponytail ako kaya walang nakatabing na buhok sa leeg ko. Uh-oh! Iba na 'to.
BINABASA MO ANG
Athanasius
Mystery / ThrillerAthanasius can be the man of your dreams. He has the money, the to-die-for body, the face of a demigod, and the will-melt-you charisma. But are you willing to accept all his dark secrets, his fears, his history, and his consequences? Will he be able...