XXXI: The Cuavo Effect

190 14 2
                                    


Asya's POV


Sinundan ko si Alannah sa taas. Mamaya ko na kakausapin si Ate Lei. Alam ko kung ano ang nangyayari, pero ayaw pumasok sa utak ko ang mga nalaman at nakita ko. I still need an explanation from Ate. I want to clear all the questions in my head. But for now, my little sister needs me. Nadatnan ko si Anna na padapang nakahiga sa kanyang kama. Nakasubsob ang mukha nito sa Garfield niyang unan. Umiiyak, halata sa pagtaas-baba ng kanyang balikat.

"Bunso... " tawag ko kay Anna. Kagat-labi akong lumapit at tumabi sa kanya.

Nilingon niya ako kaya nakita ko ang pamumula ng kanyang mata at ilong. Patuloy pa rin ang pagtulo ng luha niya na ikinadurog ng puso ko. I never saw my little sister cried this hard. The last time was when Nanay died. And Ate Lei and I both promised that we will never let our two younger siblings cry. Na puprotektahan namin ang isa'tisa. Pero ano 'tong nangyayari?

"A-ate... Ate Asya," humihikbing wika niya saka bumangon at niyakap ako. Hinayaan kong mabasa ng luha niya ang damit ko. Hindi ko na rin kinaya, kaya tahimik akong umiyak habang hinahaplos ang kanyang likod.

Napaangat ako ng tingin nang makita si Ate Lei na umiiyak na nakatayo sa harap ko. Lumapit siya sa amin at niyakap si Anna mula sa likod. We were in that position for quite long hanggang sa humupa na ang pag-iyak ni Anna. Siya na rin ang unang kumalas at puno ng pagtatanong ang kanyang mga matang tumingin sa amin ni Ate Lei.

"Ate, h-hindi mo naman ako ibibigay, diba? Diba kapatid ko kayo? D-diba, Ate?" humihikbi pa ring tanong ni Anna kay Ate Lei.

Huminga ng malalim si Ate Lei saka pinunasan ang luha sa mga mata ni Anna. Mababakas ang lungkot sa mukha nito. Pinipigilan niya lang ang umiyak muli, lalo na nang bumaling siya sa akin. Alam kong nakikita niya sa akin ang nakikita niya kay Anna -- we want the answers. Anna and I don't have to ask, dahil alam kong nakikita na niya sa mga mukha namin ang mga tanong.

"I was 9 when Anna came to us. And you were four at that time..." sumulyap sa'kin si Ate, saka muling ibinalik ang tingin kay Anna.

"A cute, little angel na nagbigay ng kasiyahan sa pamilya. She may not came from our mother's womb, pero dahil sa pinakitang pagmamahal ni Nanay at Tatay, nagawa nilang iparamdam sa'tin na parte ng pamilya si Anna," nakangiting simula ni Ate Lei saka pinunasan ang mukha ni Anna gamit ang kanyang daliri. "Kaya hindi ko nagawang sabihin sa inyo ang totoo dahil sa puso ko, kapatid kita, Anna. Ikaw ang baby girl namin nina Asya at Aidan. Alam ko naman na darating 'yung oras na malalaman mo rin 'yung totoo."

Hinawakan niya ang mga kamay ni Anna, "Pero alam kong maiintindihan mo. You're a smart girl. Mana ka kaya sa'kin."

"At sa akin," biro ko pa, sa kabila ng paglandas ng luha ko.

Nilingon ako ni Anna. Nakanguso ito pero ramdam ko ang paggaan ng kanyang loob. Kaso namamanhid pa rin ang pakiramdam ko. I still wanna think that what happened was just a part of a bad dream, very bad dream. But despite everything that I had found out, hindi pa rin magbabago ang pagmamahal ko kay Alannah. Siya pa rin naman ang baby girl namin.

"'Yung babae, Ate. S-siya ba ang tunay na ina ni Anna? Kung oo, why did she have to come back? Para kunin niya si Anna, pagkatapos niya itong iwan?" sunud-sunod kong tanong. Bumalik ulit ang pamamanhid sa sistema ko. May kasama na itong takot. Takot na baka tama ang naiisip ko.

"H-hindi ko alam," nag-iwas ng tingin si Ate. "Bigla na lamang siyang dumating. Tapos ay-- tapos ay gusto niyang kunin s-si Anna. Ayoko..." umiling si Ate Lei.

"Pero karapatan ni Anna na makilala ang totoo niyang nanay. At kahit sa kabila ng ginawa ng kanyang ina, ay may karapatan din itong makita at makasama si Anna," dagdag pa ni Ate, sa kabila ng paghina ng boses niya.

AthanasiusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon