Athan's POV
I drove off to my grandparent's house right after I got a call from Lolo. Malamang ay uusisain ako tungkol sa ginawa kong pagtakas kagabi. It's a birthday celebration pero missing-in-action ang celebrant. How was that? Kaya kahit nagawan man ng paraan ni Floyd na pagtakpan ang biglaan kong pag-alis, hindi pa rin nito mapipigilan ang mga tanong na ibabato sa'kin ng mga elders mamaya. I'm not scared, though. Kailangan ko lang namang magpaliwanag sa kanila.
Napangiti ako nang maalala ang nangyari kagabi at ang brunch na kasama si Asya. Running away and being with her was like an escaped from reality, from who I am.
I never cooked food for a woman. I never do sweet gestures. I never get this so much addicted to a kiss. But when it comes to Asya -- nabubuwag ang pader na pinapalibot ko sa'king sarili. Pero wala akong maramdamang pagsisisi. It was all worth it.
But the fear of what will happen next is different.
I sighed. Nakakatakot na baka isang araw, magising nalang ako na tapos na ang lahat at wala akong magagawa kundi ang magpatianod sa nakatakdang mangyari.
After twenty minutes ay dumating na ako sa bahay nina Lolo Max at Lola Cornelia. Automatic na bumukas ang gate at kaagad ko namang ipinasok ang sasakyan. I parked my car and saw two more cars na naka-park sa garahe, aside sa dalawang kotse ni Lolo. Kilala ko ang isang kotse -- kay Matt. I wonder what is he doing here.
Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay binati kaagad ako ng matagal ng kasambahay nina Lolo. "Si Lolo po, Nay Linda?"
"Nasa study room kasama ang Lola Cornelia mo. May gusto ka bang kainin, hijo? Ipaghahanda kita." Nakangiting tanong sa akin ni Nanay Linda.
"Wala po. Busog ako. Kakakain ko lang po kasi. Akyat na ho muna ako." Pagtanggi ko sa kanyang alok. Tumango siya bilang tugon.
Papunta na sana ako sa may hagdan nang may maalala. "Nandito po ba si Matt?"
"Ah, oo. Nasa entertainment room. Du'n narin 'yun natulog kagabi." Sagot niya. Tumango ako, nagpasalamat at nagpaalam na para pumanhik sa study room.
I remember Asya's reaction when I told her about the curse at 'yung tungkol sa mga pulang ugat sa aking leeg. Halata ang pagkagulat at pagkamangha sa kanyang magandang mukha. Pero takot? Wala. Kahit na kaunting bahid ng takot ay wala akong nakita. Nakakatawa nga dahil ako pa ang sobrang nagulat nang malamang nakikita niya ulit ang mga pulang ugat pagkatapos ng mahigit apat na taon -- na akala ko ay hindi na mangyayari pa.
Huminto ako sa kwarto na nasa kanang dulo na bahagi nitong bahay. I knocked before I went in. Nakita ko kaagad si Lolo sa kanyang table habang may isinusulat. Hindi niya kaagad napansin ang presensya ko kaya napaangat siya ng tingin nang batiin ako ni Lola Cornelia. Nasa usual spot niya pala ito -- sa tabi ng bintana.
"Athanasius!" Masayang bati ni Lola sa'kin gamit ang kumpleto kong pangalan. Humalik ako sa kanyang pisngi at niyakap naman niya ako ng mahigpit.
BINABASA MO ANG
Athanasius
Mystery / ThrillerAthanasius can be the man of your dreams. He has the money, the to-die-for body, the face of a demigod, and the will-melt-you charisma. But are you willing to accept all his dark secrets, his fears, his history, and his consequences? Will he be able...