XXX: What Happened?

461 16 2
                                    

Asya's POV

Dinala ako ni Athan sa isang restaurant, nang maramdaman niyang nahimasmasan na ako. Tahimik lang siya na para bang pinag-aaralan ang mga kilos ko. He was just intently looking at me while I'm eating my food. Nakakailang man ay nagawa kong ubusin ang pagkain ko. Pagbalik ng apartment ay tahimik pa rin si Athan. Alam kong naghihintay siya na ako mismo ang magsabi sa kanya. Sasabihin ko rin naman sa kanya ang dahilan ng pag-iyak ko. As much as possible, I don't want to hide anything from him.

Pumasok muna ako sa banyo para maghalf-bath. Nagbihis na rin ako ng isang pares ng simpleng puting pajama. Mukhang pagod na pagod si Athan nang madatnan ko sa aking kwarto. My Deary was lying on the bed with his boxers and white sando. I don't know if he's asleep or not. Nakadantay kasi sa mga mata niya ang kanyang kanang braso. Ngumiti ako bago umakyat sa kama at sumiksik sa kanyang gilid. Ipinulupot ko ang isang kamay ko sa kanyang bewang. Nakumpirma kong gising siya nang pumulupot rin sa'kin ang braso niya na siyang ginawa kong unan.

"Nag-away kami ni Clark," panimula ko. "Natatakot siyang mawala ako sa kanya, na hindi naman mangyayari."

"He should be. 'Cause I don't share my dear little Asya to anyone. Akin ka lang."

"Athan!" saway ko. I poke his side, and I felt his muscles stiffened. "Kaibigan ko si Clark. He's already part of my family. Para ko na rin siyang kapatid."

"Mabuti naman at nagkakalinawan tayo dito," aniya. Narinig ko pa ang mahina niyang paghagikhik. Ghad! Why so sexy, deary?

"Alam niya ang tungkol sa atin. And... and he's hurt. Kaya nakapagsalita siya ng masama sa'kin," pagpapatuloy ko. Nilunok ko ang tila malaking batong bumara sa lalamunan ko.

"What did he said?" Nagtaas-baba ang dibdib ni Athan nang tinanong niya ito.

"Nothing important. Nadala lang siya sa galit niya kaya nasabi niyang nagustuhan kita dahil sa yaman mo. But Clark was just hurt that's why he said that," dahilan ko. Masakit ang mga sinabi ni Clark pero may pinaghuhugutan siya kaya gano'n na lamang ang reaksyon niya.

"He will regret saying that." Fury can be heard in Athan's voice as he said those words. Ito ang iniiwasan kong mangyari -- ang magalit siya kay Clark.

"Athan... Please, hayaan na natin. Sabi ko nga, galit lang siya. He don't mean those words," pangungumbinsi ko habang gumagawa ng bilog sa kanyang tiyan gamit ang hintuturo ko.

Wala akong narinig na sagot mula sa kanya. "Athan... Promise me, you won't get mad at him."

Napahagikhik ako sa naging reaksyon niya. Tumagilid ba naman, kaya kaharap ko na ngayon ang kanyang malapad na likod.

"Uy, deary..." Tinutusok-tusok ko ang kanyang likod. Nang hindi pa rin ito tumitinag ay pinalandas ko ang daliri ko sa gitna ng kanyang likod. Napangiti ako sa mahina niyang pagdaing. His curbed groans were like music in my ears. Uhh.

"Huwag ka nang magselos. It will always be you. Hindi ka ba naniniwala sa akin?" Sabi ko sa kunwaring nagtatampong boses.

AthanasiusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon