Her POV
Agad akong tumakbo sa gitna ng may paparating na kotse. Lumutang ako habang nanlilisik ang matang nakatingin sa harapan. Please. Please. Argghhhhh!!!!! Nanghina ako ng lumampas sa akin ang kotse. Ito ang kapalit kapag may tao o bagay na lulusot sa katawan ko. Kailan pa ako maghihintay ng taong makakakita sa akin.
" Arghhhh!!!!!!!!!!!!!!"
" oh, multo sa punong mangga, bakit na naman? Rinig mula sa kabilang kalye ang sigaw mo eh"
" Tssss"
Siya ang multong maraming alam. Tagapayo at malayang nakakapagliwaliw habang ako. Hindi makaka alis sa pun*et*ng punong manggang ito.
"Ganun parin ba hah? sabi ko naman sayo. Maka-"
"Makaka alis lang ako dito kapag may isang taong makakakita sa akin, sa kaniya lang ako susunod dahil ito ang nararapat I know I know pero ilang taon naba ako dito? bakit wala parin?"
" Baka.......Ginagawa pa siya lady manggo hahahaha"
" Arggggh umalis ka na nga lang hindi ka nakaka tulong eh tssss"
" Bahala ka. Huwag alahanin,
Iba'y hindi aabalahin,
Bukas, makalawa mag-iiba ang daloy ng hangin... paalam lady manggo!!!"Habol nito. Nag bitiw na naman ng salitang makabuluhan. Hindi naman natutupad.
Isang araw nagising akong nakahiga sa ilalim ng punong mangga. Noong una nagtaka ako dahil bakit malinaw sa akin ang paligid gayong gabi na. Sunod sunod ang mga tanong na pumasok sa isipan ko, sino ako? bakit ako nandito? nasaan ako? hanggang sa nakita ko ang puting damit na halos sakupin na ng pulang tenta? sa una kong tingin yon pala ay dugo. Agad akong tumakbo dahil narin sa takot. Nang hindi paman ako nakalayo biglang sumulpot ang multong Liwaliw. That Ghost earlier.
Flashback
Nanginginig akong kumapit sa puno habang ginagaya ko ang bigat sa pagtayo. Hindi ako nag dalawang isip at agad na tumakbo.
Napahinto agad ako ng may biglang humarang sa akin. I-isang babaeng naka puti. Normal lang ang mukha niya pero napaka putla, napaka itim ng eyebags at ang mga labi ay kulay abo na. Nanlaki ang mata ko ng pagtingin sa ibaba niya ay wala akong makitang mga paa bagkos ay nakalutang ito sa hangin. Umaatras ako habang nakaturo sa baba.
" H-hindi yan totoo! hindi!!!" agad akong tumalikod ngunit agad ring napahinto nang siya na naman ang nakita. Paano nangyari yon?
" Huwag kang magulat baguhan,
Tingnan mo ang sarili,
Huwag mag atubili."Nakakabaliw man ay sinunod ko parin ang sinabi niya. Doon ako tuluyang napaiyak. Nakapikit ako habang tumalikod at kumaripas ng takbo. Isa itong bangungot. Napakasamang bangungot. Gisingin ako ngayon na!!!!
" A-aray" Bumangga ang katawan ko sa kung anong harang. Iminulat ko ang mata ngunit wala namang nakaharang. Tumakbo ulit ako ngunit ganun parin, para bang may salamin na nakaharang sa akin. Na para bang binibilanggo at pinagbabawalan akong makatawid.
" Ano ba!!!! patawirin niyo ako dito!!!!"
" Isa kang multo"
" Hindi, hindi wala akong naririnig, bangungot lang to tama bangungot lang to" kumbinsi ko sa sarili.
" Makinig ka" Puwersa niya akong hinarap. Malakas siya kaya walang kahirap hirap.
" Nasawi ka nito pa lamang, may ibang deretso sa patutunguhan, may ibang katulad mo. May dapat pang tatapusin sa mundo. May rason kung bakit ka nandito, hindi mo natatandaan kung sino ka diba? kung sino ang pumaslang sa iyo? kung paano ka napaslang? Oo nawawalan tayo ng ganoong memorya lalo na kapag ito ay nababalot ng mesteryo."
" Hindi, hindi yan totoo buhay ako! buhay pa ako!"
" Kalaunan ay matatanggap mo rin,
Ngayon pakinggan mo ito,
Sa nakikita ko, ang kaso mo ay naiiba,
Makakalaya ka sa oras na may taong makakakita sa iyong presensya. Sundan mo ito dahil ito ang tangi mong pag-asa"" Lahat ng bagay ay may hangganan,
Lahat ng tagpo ay may kaakibat na dahilan"Agad din itong naglaho.
" Huwag kang umalis, bumalik ka. Marami pa akong itatanong sayo!"
End
Bumalik naman siya kinabukasan at pinaliwanag sa akin ang lahat. Ginawa ko na lahat ng strateheya ko para lamang mapansin. Tatlong grupo ng paranormal expert ang nagawi na dito pero kahit cought on camera wala. Hindi ko na alam ang gagawin. May kotseng huminto. Ayan!!!!
Bumukas ang pinto at tumakbo ang lalaking nagmamaneho ng kotse habang ang kamay ay nasa maselang parte ng katawan. Papunta na siya sa deriksiyon ko tsss mga lalaki nga naman. Ilang beses naba itong naganap. Nangangamoy na nga ako dito eh buti nalang umuulan din. Agad nitong binuksan ang suot na pantalon habang nakatingala na para bang nasasarapan. Hindi po ako tumingin ahhhh never. Pwede ko namang subukan kapag tapos na sila. Dito ako pumwesto sa likuran niya, inihanda ko ang sarili. Ito na..
" Ahhhhhh!!!!!"
------
©BinibiningHari
BINABASA MO ANG
Oh My Ghost
Misteri / ThrillerA Ghost without memories from a forgotten past that had been cage in a place where the only key for her freedom is someone who could notice her existence finally found the one, the one who bring more confusions, the one that boil the invisible blood...