Destine to happen
______________________________________Wala nang mas sasakit pa sa isang magulang ang makita ang anak na nasasaktan. Ang itsura ng silid ay nagpapahiwatig lamang sa kapighatiang dinadanas ng kanilang anak. Durog na durog at luhaang tiningnan ng mag-asawa si Andrew na hindi alam ang gagawin.
Oras na siguro para ipa-alam sa kaniya ang totoo. Bagay na matagal na nilang itinatago dito.
"Anak, please huminahon ka. We have something to tell"
"To tell?"
Pagak itong tumawa. Na para bang punong puno na siya sa mga nalaman. Masakit na. Tama na. Gusto niyang isigaw ngunit may parte rin naman sa kaniyang gustong malaman ito.
"P-patawad, All we can ask is your forgiveness for hiding this from you throughout the years. Halika, lumapit ka samin anak"
Inalalayan ng mag-asawa ang matamlay na Andrew palabas sa sekretong silid nito. Pagkatapos ay pinaupo sa gilid ng may kama, tulala at walang imik.
Nagsimulang mag kuwentong ang ina kahit pa tila wala sa kaniya ang atensiyon ng anak.
"Matapos mo magising sa pagkaka coma ay siya agad ang hinanap mo. Nagwala ka,sinisisi mo ang sarili. You'll end up fainting and it will take again a weeks for you to wake up. Then whenever you heard her name ay ganoon ang mangyayari. Then one day, gumising kang tinatanong kung sino ka? Ayon pala'y nagkaroon ka ng mild amnesia, mostly ang mga nakakalimutan mo ay parte kay Kace. Sabi ng doctor, pakana to ng utak mo para hindi ka masaktan. Pilit nitong binabaon ang memoryang nagpapasakit saiyo. We then follow your doctors advised, and it was to keep your past secret not until you will be the one to recover it."
Habang nagkukwento ay hinahaplos niya naman ang buhok ng anak. Hindi nila mawari kung nakikinig ba ito sapagkat hindi manlang nag iba ang ekpresyon ng mukha. Ngunit sa totoo lang ay naiintindihan ni Andrew ang lahat. Kung siya rin naman ang nasa posisyon ng magulang ay iyon din ang gagawin niya. Naging ganoon na ang mindset niya simula ng malamang buntis ang asawa. He dreamt to be a great father that his kid would be proud of and boast to others what kind of father he is. Natandaan niya ngang nagbabasa siya noon ng libro entitled, How To Be A Dad. Lahat ng tips at payo ay memoryado niya. Dahil sa mga naisip ay nanubig ulit ang kaniyang mata.
"We fake your birth certificate, records in school and kept behind those things that has something to do with Meah. Kaya walang nakapag trigger sayo, umabot ka ng taong hindi nahihimatay at nacocoma ng paulit-ulit...A-anak we're sorry..."
"M-ma, I understand. I almost become a father. And if I was in your shoe I will not hesitate to do the same thing. If I c-could bring back the time, I-i...."
Hindi niya manlang matapos tapos ang sasabihin dahil sa panginginig. Sisingsisi talaga siya. Sana kasi siya nalang ang namatay at hindi ang mag-ina niya! H-Hindi niya manlang nasilayan ang mukha ng anak, hindi niya naramdamang sumipa ito sa tiyan ng asawa, sino ba ang kamukha nito, babae ba o lalaki. Mga bagay na gusto niyang gawin kasama ang anak at asawa ay naglaho'ng bigla dahil sa katigasan ng ulo. Pagkatapos ngayon ay tila iiwan muli siya ng multo. Napatayo tuloy siya bigla sa naisip.
'Hindi maaari, tanggap kong iiwan niya rin ako dahil mag-kaiba kami ng mundo pero hindi sa ngayon. Hindi ako handa. Kailangan ko siya'
Saad ng kaniyang isipan at nagmamadaling lumabas sa silid. Sarado ang kaniyang isipan sa mga sinasabi ng magulang.
"Son? Hey, where are you going!!!!? You need to know this!!"
"Anak!! Hinta---arayyy"
Dahil sa kakatakbo ay natapilok tuloy ang ina nito na hindi din naman magawang iwan ng kabiyak. Kaya tuloy ay nawala sa paningin nila ang anak.
BINABASA MO ANG
Oh My Ghost
Misterio / SuspensoA Ghost without memories from a forgotten past that had been cage in a place where the only key for her freedom is someone who could notice her existence finally found the one, the one who bring more confusions, the one that boil the invisible blood...