Chapter 5

11 1 0
                                    

                              Her POV

"Manong, kilala mo po ba ang babaeng ito?"

Umiling ang lalaki

" Pakidala nalang po itong litrato tapos kapag may nakakakilala sa kaniya ay tawagan niyo po ang numerong iyan"

Tumango ang lalaki bago kunin ang papel.

Pawis na pawis na ang bakla. Pagod nayan. Ilang araw ba naman niyang ginagawa ito. Nasa karatig bayan kami. Pang apat na kapitbahay na bayan na itong napuntahan niya. Pero wala talagang nakakakilala sa akin. Kahit  pamilyar man lamang ay wala rin.

Malapit na matapos ang hapon pero wala maski isa kaming napala. Buweset.

" Ayaw ko na wahhhhhh!!!! master Final na namin bukas hindi pa ako nakaka pag review pag ako talaga hindi nakaka graduate. Epapakulong kita!"

Tinuro niya ako na parang naiiyak na ang mukha.

Doon naman ito napaisip. Tanga nga, saan ba naman kayo nakakakita ng multong ikinulong sa bilangguan tssss.

" Sige nga, kahit ngayon na pumapayag akong ikulong mo. Come on"

Tinignan ako nito ng masama. Ohhh my Weak hindi ako matitinag diyan.

" Sige na umuwi na tayo, kawawa ka na eh weakling ka pa naman"

Hhahaha epic face.

" Bad mo master" *pout*

---------

"grrrrrrsgjhsugrrr"

Pffft I can't stop but find it cute. Nakatulog ang Weakling sa pagod ganyan yan pag uwi. Lantang lanta. Tanging katulong lang nito ang kasama, hindi ko alam kung nasaan ang mga magulang niya. Isang beses ko lang naman nakita ang mama niya na sana ay hindi na masundan pa. Hindi ako mapakali, para bang pinagpapawisan ako na wala namang pawis na lumalabas. Basta, iba pakiramdam ko sa ina niya. Teka?!!

Bakit ba ang tanga ko!!!! Baka may koneksyon siya sa akin!!! Buweset!!!! Ang tanga!!!!

"hmmmm,m-mashter"

"Pfffft yes? hindi naman kita dinalaw ah. Masyado mo yata akong iniisip weakling"

Siguro ikaw nga, ikaw ang daan ko. Bakit pa ba ako magpapakod I mean bakit pa ba kita papagurin kung ikaw din naman pala ang may dala ng sagot. Ang tanong nga lang, ano ba ang hinahanap kong sagot? 

Tumagilid ito at niyakap ang unan. Ang mga fact sheet niya ay nahigaan na. Tiyak akong walang nabasa yan kanina. Awtomatikong nakatulog eh. Hahahaha kawawa naman ang weakling ko. Ko? tsssss.

Inilagay ko ang mga palad sa magkabila kong pisngi, magdamag ko na namang titigan ang gwapong nilalang sa harap. Pssssstt atin lang yon. Baka umabot sa Neptune ang kahanginan nito. Delikado.

His POV

Napakamot ako sa ulo. Hhuhu sabi na eh! Kapag talaga hindi ako pumasa dito ay mag bibigti ako!

It's a prank duhhh ayaw kong maging multo. Papangit ako, that's fearsome. Namamawis na ang mga kamay kong nakahawak sa pen. Ilang minuto naba ang dumaan wala pa akong naisagot. Huhuhu Kunti nalang talaga. Iiyak na ako! kasalanan talaga to ng multong pangit na yon.

" Sino ang pinaka matalino sa inyo dito?"

May bumulong sa akin, walang iba kundi ang Master kong walang awa. Hhuhhu

" Kasalanan mo to" bulong ko

*pout*

" Tutulungan nga kita diba?"

" Ayun!" nginuso ko ang lalaking naka reading glasses.

" Anong gagawin mo?" taka ko siyang tiningnan.

" Mr. Olivros Eyes on the papers. Want a deduction?"

" H-hindi po sir"

" Sungit, matanda!" dagdag kong bulong.

" You'll see" *smirk*

---------

'Hah? B? ahhhh ok ok'

Walang boses ko siyang kinakausap. Nakasilip siya sa papel ng kaklase ko hahaha brilliant idea. May pakinabang pala ang multong to eh. Though in the first place kasalanan din naman niya. Matalino ako noh! kung hindi niyo naitatanong! basta ba nakakapag aral ako ay tiyak na pasa!

Agad kong binilugan ang letter B.

'Next'

" Isa lang ang maling situation sa activity three weakling. Number 3 lang" Sabi nito.

Sisigaw na sana ako dahil baka marinig siya at mabuking pa ako ng maalalang multo nga pala ang pangit. Ngayon ko lang aamining bobo ako ngayon lang.

Agad ko din namang ginawa ang sinabi niya. Pati explaination  hindi pinalagpas. Syempre hindi ko naman kina-copy kung baga kumukuha lang ako ng idea. Sa iba naman pinaparaphrase ko nalang. 

Napagalitan pa ako ng bigla akong napatawa ng malakas. Sino ba kasing hindi, parang tanga ang multo eh kung ano anong ginagawang aksiyon. Sige lang kanya kanyang trip lang yan.

"Master ang galing mo hahahh !!!!!
Pasa ako sa lahat ng subject ko lalo na don sa major ko! The best ka talagang multo! may pakinabang rin"

Nawala ang ngiti nito at napalitan ng masamang tingin.

" Ahhhh hehehehe tara na? uwi na ako? nakakapagod eh"

" Parang ang raming ginawa ano?"

" Napagod din akong kaka hula kanina ah. Hahaha sumayaw kapa ng ballet eh pwede mo namang sabihing ballet. Minsan kapag gwapo parati ang nakakausap mo, nakaka bobo rin Master!"

*glare*

" Bukas hindi na kita tutulungan, mag REVIEW ka mamaya!"

" Huwag ganiyan master! maaawa ka hindi ma ke-carry ng utak ko!!! Master bumalik ka!"

Hhuhhu Kahit kailan ang pikon talaga niya. Napakasama! walang awa! walang puso! nakaka... nakaka...

NAPAKA PANGIT!!

" Hindi mo yan ikakaganda, bahala ka! hindi ka talaga sa langit mapupunta!!!!"

" eh kung isabay nalang kaya kita ano? malungkot mag-isa. Tara sabay nating languyin ang nag-aalab na dagat sa empyerno. Gusto mo?"

I freeze.

P-patay.

----

©BinibiningHari

Oh My Ghost Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon