Chapter 29

8 1 0
                                    

Her POV

H-HINDI!!!!

"Tigil!!!!!!!!!!!"

Tama nga ang hinala ko. Lintik! Ba't ba kasi benalewala ko lang ito.

"Pleaseeeeeee........Itigil mo yan Doctor Emmaneul Dopat! Pleassssee Alam kong nararamdaman mo ako! Alam kong alam mo na hindi ako sang ayon dito!!!! Ahhhhh"

Halos mabaliw na ako sa kakasigaw.

"Maawa ka naman ... Nagmamakaawa ako.."

Hinawakan ko siya sa kamay.

"Pleaseeee.."

Nakita ko pa ang pagdiin nito sa nakapikit na mata. Hudyat iyon na naramdaman niya ang hawak ko.

"Itigil mo na pleaseee...."

Kaso hindi, hindi siya matinag. Mas binilisan niya pa ang pagbigkas ng kung ano ano.

Hindi...

Dahan dahan ko siyang nilapitan.

Sa gitna ng blangkong silid na ito ay may kama. Sa itaas nito'y nakahimlay ang Baklang payapang nakapikit. May mga naglalakihang kandila sa gilid.

"W-weakling......"

Hindi ko alam. Parang nawalan ako ng lakas sa nakita.

"WEAKLING! Tang-ina ano bah! Gumising ka diyan..Tigilan mo tong kahibangan nato!!!"

Yuyugyugin ko na sana ito ng makita kong lumampas lamang ang aking mga kamay.

Hindi!!!

Bakit ngayon pa.Maki ayon ka naman oh.

Ilang bese kong sinubukan pero ayaw talaga.

Wala akong ibang magawa kundi ang sumigaw ng sumigaw at hindi tinigil ang pag-pilit hawakan siya. Nagsisimula naring rumagasa ang mga nanlalamig kong luha.

"Umayos kah, kapag hindi ka diyan gigising ay iiwan kita!..."

Bakla ka eh. Weakling kah.

Pero paano mo ito nakaya.

"Weakli-"

"M-master?"

"Iho? Nako, hindi mo natiis ang kaniyang tinig at nagawa mong putulin ang ritual. Kaso ikinalulungkot ko't hindi pupwedeng maudlot ito. Dilikado sa parte mo. Bumalik ka sa pag pikit at gawin ulit ang ginawa kanina."

"Hindi! Huwag kang maniwala! Bumangon ka diyan. Umuwi na tayo! Pleaseee U-umuwi na tayo weakling."

"M-master, hindi pwede. Buo na ang desisyon ko. K-kailangan ko tong gawin. P-para sayo"

"Tang-ina yan oh! Wala akong pakialam kung para sa akin yan . Ang akin lang hindi mo alam ang bubungad sayo. Ano bah! Kaya ko ang sarili ko. Makakaya ko basta makita kitang hindi n-nasasali"

"P-pero master. Ito lang ang madaling solusyon"

"Ang itaya mo ang sariling buhay para sa isang walang kwentang multo? Huh ganoon bah?!"

Oh My Ghost Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon