Chapter 28

5 1 1
                                    

Andrew POV

Hindi ko alintana ang init ng panahon kahit na medyo natatabunan naman ito ng malamig na daloy ng hangin sa kadahilanang ANG SARAP NILA SA MATA!!!!!

Wahhhh!! Ang sayaaa grabe.

Makikita mo iyong mga bata sa paligid na balot ng kasiyahan, nag lalaro malayong malayo sa syudad na kung mag babad sa gadget ay walang habas.

"Talaga bang ayaw mong mag suot ng bahag iho?"

Siguro, dalawang oras na ang aming naubos sa paglilibot. Kapag may nagsasalita sa harapan ko'y agaran naman niya itong pinapa intindi sa akin. Sandamakmak na pares na mata ang nakasunod sa akin kaya kulang nalang ay sumuksok ako sa kilikili ni Auntie Soleng. Ito naman ay tinutulak palayo sabing ipakita ko daw sa mundo ang kakisigan ko.

Sang ayon naman ako diyan.

"Heheheh A-auntie, nahihiya kasi ako"

Paano ba naman kasi, pagsabihan ba naman ako ni Master ng, amfff basta yun na yon.

Noong una nga medyo nahihiya pa akong tingnan sila dahil syempre halos makikita na iyong ano, Cobra n-nila.

"Ay nako iho, hindi ka dapat mahiya. Sanay na ang aming tribo sa tanawin na iyan."

Ehhhh,,, Tiningnan ko siya na kanina pa tahimik. Nginitian niya naman ako.

"Walang masama kung susubukan mo weakling. Isang beses lang naman. Hayaan mo ang sarili na makaranas ng bago."

*Pout

Dahil nga sayo napa bihis tuloy ako.

"Susubukan ko po"

"Ay magaling!"

Napapalakpak pa ito.

"Tara na sa aming kubo at nadidinig ko na ang tunog!!! Bilis"

.
.
.
.
.
.

Lumabas ako mula sa bahay nila Uncle Nedo na nakayuko. Pilit na tinatabunan ang nakalitaw na puwit. Shit! Shit!!!

"M-master"

Hingi ko ng tulong

"pffftttt para kang timang diyan. Lumakad ka nga ng may kumpyansa. Diba Pogi ka?"

"S-syempre"

"Edi go! Kaya mo iyan. Haha"

"Eh b-bat ka natatawa"

"Ang kyut mo kasi"

Mas nahiya tuloy ako.

"Nandito na ang ating hindi ina asahan na panauhin!!!"

Biglang sigaw ni Auntie Soleng sabay hatak sa akin tungo sa kaniyang ka Tribo na nag sasayawan.

"A-auntie nakakahiya, sa gilid nalang ako."

Pilit kong ina-agaw sa kaniya ang braso kaso huli na.

Binigyan nila ako ng matatamis na ngiti at magaan na pagbati dahilan para ako naman ang mapangiti.

Oh My Ghost Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon