Her POV
May kung anong pumatak sa sahig. Luha? tiningnan ko ang bakla. May kinuha siya sa isang karton kaya imposibleng sa kaniya galing. S-sa akin ba? tiningnan ko ulit ang sahig nang dalawang beses na sunod sunod na pumatak ang mga luha. Umiiyak ba ako? paanong lumuha ako? Hindi kami umiiyak, ang mga multo ay walang nararamdaman. Hindi kami umiiyak, pero bakit? paano?
Kailangan ko ang multong liwaliw. Pero, lulubusin ko ang pagkataong ito. Ilang taon na ba? ilang taon naba akong walang nahahawakan, walang nagawa. Sa wakas ito na, ito na yon!.
Hinawakan ko ng mahigpit ang brush. Salamat! salamat at pinaramdaman mo sa akin ang noon ko pa hinangad.
" Weakling dito ka sa kabila ako naman diyan sa kaliwa, nakaharang ka eh"
" wait lang master"
Hindi ko matingnan ang ginagawa niya dahil hindi ko maiwan iwan ang sa akin. Nagka bungguan pa kami dahil sabay kaming kumilos.
--------
hahahaha ano ba!Hahaha ayan kasi, inunahan mo ako!
Hahahahha!
Hhahahaha!
--------
Pinilig ko ang ulo dahil sa mga nakita. Dalawang pigura ng tao ang nagtatawanan, nagbabatuhan ng hindi ko alam. Pati mga kasarian nila ay hindi ko mawari dahil napakalabo, basta ang sasaya nilang dalawa. S-sino sila? bakit sila nasa aking memorya?
"Master you okay?"
Nakatungo ang bakla sa akin. Tumango lang ako bilang tugon pagkatapos ay sinimulan ko naring magpinta.
.....
" Sir!!! sir!!! may bisita po kayo!"
Sigaw mula sa labas, katulong niya siguro. Malapit na akong matapos ,ewan ko sa kaniya.
" Ayann!!! tapos nah hahaha master!!! tingnan mo ang galing ko wahhhh magiging sikat na artist ako sigurado!!"
"tssss, tinatawag ka lumabas ka muna"
Hindi ko siya tiningnan dahil kailangan ko nading tapusin ito. Abah ang bakla pa ang nauna, sisiguraduhin kung maglalaway siya sa gawa ko.
"* pout* sungit mo master! huwag mong gagalawin o lagyan ng kung ano ano ang paint ko hah! ok lang mainggit basta ba wala kang gagawin"
habol pa nito habang nakahawak sa door knob.
Binato ko siya ng brush dahil nawawala ako sa konsentrasyon.
" Umalis kana nga!" taboy ko.
Finally, napangiti ako. Natapos ko narin. Binigyan ko ng distansiya ang sarili. Habang umaatras doon din lumilinaw ang lahat, lahat ng bahagi sa ginawa naming ito.
Namangha ako. Paano kasi, ang likha ko ay isang pigura ng lalaki, naka tingala sa itaas na parang may tinitingnan.
Fine, yes it was him. I don't know but as when I started earlier ang mukha niya agad ang naisip ko. Mukha niyang maamo at matatakutin. Mukha niyang enosente at natatangi. Pero ang mas nakakabilib ay kung ano ang nilikha niya sa itaas. Isang puting babae na nakalutang habang nakatingin sa ibaba na parang tinitingnan ang lalaki kong ginawa.
Ako bayan? naka puti ako eh, lumulutang din. Doon ko nakumpirma. Walang mga paa ang babae. May buwan at mga bituin siyang pininta, ang kamay ng babae ay pilit na inaabot ang lalaki sa ibaba. Napangiti ako. That give me an idea. Binago ko ang sa akin, ginuhit ko ang kamay nito at pilit na inaabot ang kamay ng babae. Ang galing. Akala ko ba hindi marunong mag pinta ang bakla. Ako kaya? maganda kasi ang kinalabasan ng sa akin eh baka sa buhay ko noon ay pintor ako?
BINABASA MO ANG
Oh My Ghost
Mystery / ThrillerA Ghost without memories from a forgotten past that had been cage in a place where the only key for her freedom is someone who could notice her existence finally found the one, the one who bring more confusions, the one that boil the invisible blood...