Chapter 9

10 1 0
                                    

                             Her POV

"Multong Liwaliw!!! magpakita ka!!! marami akong itatanong sayo!!"

Hayssst. Malalim na ang tulog ng bakla kaya dito ako pumunta. Kailangan kong malinawan. Kasi talagang nalilito na ako.

"Multong Liwaliwww!!!"

" Oh Lady Manggo. Kay dali mo naman akong ma miss. Ano't kanina ka pa diyan sumisigaw? Teka bakit kapa bumalik sa punong ito?"

" Easy muna Multong Liwaliw ok, ako ang maraming itatanong sayo"

" Hmmm, ang mga nagagawa mo bang  imposible?"

" P-paano niyo nalaman?"

*smile* " Lady Manggo, may mata ako sa lahat ng multong nasa pangangalaga ko."

" So ano ang ibig sabihin non, iyong pagkahawak ko ng mga bagay at tao. Iyong mga memoryang hindi naman malinaw. Iyong pagluha ko na hindi dapat, ang nararamdaman ko sa isang tao na wala dapat sa isang multo. Multong Liwaliw. Ano ba talaga!? kailan ko paba makukuha lahat ng sagot!"

" Ano ba ang tanong mo? Lady Manggo, makinig ka. Ang mga yan ay una mong hakbang, huwag kang magmadali sa pag akyat at baka mahulog ka ng walang nakukuhang kasagutan. Isipin mong mabuti? ano ang hinahanap mong sagot? "

Pumikit ako ng mariin.

" Sagot? sa lahat. Sagot sa lahat Multong Liwaliw"

*smile*" Isang tiyak na tanong ang iyong uunahin upang maiwasan ang pag hahalu-halo. Isang tanong na magbibigay daan. hmmmm?"

" Mas lalo mo akong nililito eh"

" Alam kong naiintindihan mo ako. Diba?"

" Ano ang koneksyon ko sa baklang iyon? "

" Ano nga ba? hanapin mo Lady Manggo. Sige at may pupuntahan pa ako. Paalam. Mag-iingat ka."

"ahhhh!!!!!!!"

Isang tanong ang uunahin? Ito ang dapat kung uunahin. Ito dapat.

                              His POV

-------
" Meh, tingnan mo ang mga bagong likha ko."

Isang lalaking sayang saya habang kinakausap ang nakatalikod na babae.  Hindi ko alam kung sino ang lalaki dahil nasa may likuran lang nila ako. Para bang naka glue ako sa kinatatayuan dahil hindi ko magawang ihakbang ang sarili. Pamilyar sa akin ang pigura ng lalaki.

" Humarap kayo sa akin!!!"

Sigaw ako ng sigaw pero parang wala silang naririnig. Lumapit ang lalaki sa pwesto ng nakatalikod na babae at pinakita nito ang kanina pa bitbit. Kung titingnan sa pwesto ko ay para bang niyakap ng lalaki ang babae. Bakit parang nasasaktan ako? si-sino kayo?

Papaharap na sa akin ang ulo ng lalaki.

"D-daddy?"

Pero hindi si mommy ang kasama niya. Sigurado ako dahil hindi ganiyan kaliit ang mommy ko!

" Daddy taksil ka!!!"

---------

" Hey weakling, nananaginip ka"

Pumupungay pa ang mga mata ko habang unti unting luminaw ang paligid. Wahhhhhh totoo ba yon? malinaw eh malinaw na si daddy yong nakita ko! pero kasi panaginip lang yon!

" Wahhhhh Master!!"

" Ano ba kasi!"

" S-si Daddy!"

Oh My Ghost Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon