Her POV
"Sabihin mo na kasi weakling. Bakit nag-aaral kapa hanggang ngayon eh sa narinig ko ay 24 kana"
Kanina ko pa siya ine-interrogate pero dedma lang ang beauty ko. Sige umangal kayo! makakasama niyo ako diyan sa tabi niyo, makikita niyo *smirk* by the way, I am pretty period! End of discussion.
" Tsaka, nasaan ba ang mga magulang mo namamalagi? bingi kaba hah weakling?"
" Parang personal kong buhay na ata ang inaalam mo master ah. Sa simula palang ay may plano kana talaga sa akin master diba?" *sarcastic*
Napaka seryoso ng mukha nito. Not his usual face.
" Ahhhhh ganun.... Mag da-drama ka nalang diyan na parang bakla. Alam mo bang nakakabawas pogi points yan?"
I think, in order to gain an info, I have to slow down first. Let the fate leads my way. Hindi ko siya dapat madaliin.
" Oh my ghost!!! Master isa iyang disaster!!!!!" medyo napa lundag ako ng kaunti sa ginawa niyang pag sigaw. Tsss bakla.
" Hmmm, hindi kana pogi weakling. Tandaan mo hindi ko sinabing naging pogi ka hah. Sadyang nasanay lang ako sa pang pupuri mo sa sarili"
"tsss denial pa master!"
" So care to tell me, bakit ka naka busangot? kaninang umaga pa yan!"
" Ehh kasi naman master!!!! nagtatampo ako sayo!"
" Ano na naman bang ginawa ko hah!"
" Sinabi mo sana ng maaga na hindi na pala matutuloy ang pamimigay diyan sa litrato mong gumanda ng kaunti! Naka bihis na ako't lahat lahat tsaka mo pa sinabi!!!"
pffffftt sorry naman, nakalimutan ko lang eh.
" Move on kana weakling! pfffft opppssss sinagot na kita sa rason kanina huwag kanang dumada pa! Maingay.."
*Glare*
Abah, tumatapang na ang bakla.
" Tinitingnan mo ng masama ang master mo?" madiin kong sabi sa kaniya. Abah hindi pwede yon.
" ahhhh heheheh, master naman oh hindi na mabiro *pout*"
Hindi siya cute. NEVER!
His POV
Mga limang buwan ko pa dito ay napaka lungkot not untill I met her. Pinuno niya ng kabuwesetan ang araw ko. *pout* Pero parang siya pa ang palaging galit. Ako na nga itong inaalipin.
Tapos na ang 2nd sem namin, kaya yong kaunting projects nalang ang po-problemahin ko sussss kaya ko na yon. Matatapos ko lahat ng iyon ng hindi pa lumulubog ang araw.
Masterrr!!!! huhuhuhu nasaan ka naba? ilang araw kanang nag explore hindi mo manlang ako sinama. Ang unfair mo talaga kahit kailan.
" Ano't nakabusangot ka na naman diyan hah"
*pout* Nagpa praktis lang ako. Malay ko diba aalis siya ng mga ilang araw para mag explore, fine hanggang imagination ko nalang yon.
Hindi ko siya pinansin bahala siya. Namataan ko ang pagpunta niya sa isang pinto kaya sumunod ako baka ano pa ang nakawin non. Ok nagiging bobo na talaga ako, mahirap talaga kapag may influencer ka.
" Ampp! aray!"
Damn!!!! sino ba kasing nagsabing makakalusot ako sa pintong yan na hindi pa bukas hah!!!
" Pfffft, weakling magagaya mo lang ako kung katulad na kita hahaha!"
eh kasi naman dahil sa medyo napalalim ang mga naiisip ko ay ginaya ko nalang ang ginawa niya. Malay ko bang..... Ewan!
*pout* " bully ka master"
Oh kita mo, bigla nalang nawala. *pout* ang sama mong pangit na multo, wala pang mudo! respeto! kagandahan! wahaha
Binuksan ko nalang ang pinto baka tuluyan akong mabaliw. Hmmmm isa itong painting room. May mga gamit, meron din namang tapos na. Hindi ko alam kung sino ang gumagamit dito, tinanong ko naman si mommy sabi niya ay basta kakilala ko daw. Hindi nalang ako nag usisa pa kasi naman imposibleng sa akin lahat to. Eh kahit gumuhit ako ng paru-paru ay hindi mag mumukhang paru-paru. Napaatras ako sa nakita kaya nabunggo ko ang upuan dahilan ng pagtumba nito.
"M-aster!" turo ko sa kanya, papunta sa kamay niya.
" Hah? ano ba kanina pa ako na we-werduhan sayo weakling hah!"
Hindi ako makasagot, tulala talaga ako sa nakita. Sinundan niya ang deriksiyon sa nakaturo kong kamay.
Nanlaki agad ang mata nito at agad nabitawan ang hawak na paint brush. Oo, nakahawak siya ng paint brush paano nangyari yon?
" P-paano?"
Bulong niya. Paano nga ba?.
" Master!!!!! tao ka na!!! tao ka na!!!"
" Tanga!!!"
*pout*
" lapit ka"
Lumapit kaagad ako. Nanginig ako sa lamig.
" Kita mo? lumampas lang kamay ko"
" d-diba sabi mo master na nahahawakan mo ako. Tulad don sa may parking lot"
" Ewan ko *shrugged*"
Aisss nakakalito.
"Master, marunong ka mag painting? total nakakahawak ka naman ng paint brush lubusin mo nalang baka mamaya ay hindi na"
Napaisip siya sa sinabi ko.
" May matino ka ring nasabi weakling"
*pout*
Matagal na akong matino!!!
" Ito nalang pe-paintan natin master"
Kinuha ko ang human size na board.
" Anong natin?"
Nagsusungit na naman ang pangit na multo.
" Abah master, hindi atin yan baka mapagalitan pa tayo kaya isa nalang gamitin natin."
" Ikaw lang naman mapapagalitan eh"
*pout*
" Kahit kunti man lang master. Wala kang care sa akin?"
" tsss ang drama mo akin na nga yan, dito sa may gitna mo ilagay"
*pout* Ako na! ako na ang pinaka guwapong alipin sa mundo.
Matangkad ako kaya nasa may taas na parte ako nag pe-paint siya ay nasa baba. Hahaha opo maliit ang multo or siguro may kataasan din ang tangkad ko. Hindi namin alam kong ilang minuto o oras naba ang lumipas, basta nilamon na ang mga diwa namin sa ginagawa. Na para bang lahat ng emosyon namin ay ibinuhos dito.
Hindi ako marunong pero parang eksperto kung gumalaw ang mga kamay ko. Hindi ko mapigilan, tahimik lang din naman ang multo kaya walang imikan.
Tahimik, isang mapayapang katahimikan.
-----
©BinibiningHari
BINABASA MO ANG
Oh My Ghost
Mystery / ThrillerA Ghost without memories from a forgotten past that had been cage in a place where the only key for her freedom is someone who could notice her existence finally found the one, the one who bring more confusions, the one that boil the invisible blood...