His POV
Kahapon ko pa hinahanap ang lutang nayon pero wala akong matagpuan, nagpatulung pa ako kay master pero ang daya, pagod daw siya kaya ako nalang. Excuse lang ha? May multo bang napapagod?
"Hoi may tawag ka sabi"
Kasalukuyan akong nagmamaneho na tanging kasama ay ang pangit na multo. Na late kasi ako ng gising kasi late din umuwi, ang bait eh tinapos ko muna lahat lahat ng food packages at ibang mga gamit para e donate sa kabilang bayan. Matulunging poging bata. Haha
Bayan ng Aguinaldo ang mas napinsala ng bagyo. Kami dito eh kagabi lang naman medyo lumakas, sa kanila umabot talaga ng isang linggo.
Mayayaman naman ang mga mag-aaral sa Univ. kaya marami kaming na kolekta, idagdag pa ang mga bigay ng donors.
"Sagutin mo na"
Napaka mainipin niya talaga huhuhu.
"Yes ma'am? I'm sorry I woke up late kaya mahuhuli ako ng kaunti"
"It's ok we understand, iho can I ask you a favor. Wait saang parte kana pala?"
Inihinto ko muna ang kotse.
"Sa may Infa Gas Station ma'am. Medyo malayo pa po"
"Good to hear, may isang truck kasi na ang laman ay yong mga food packs, iho can you turn to right sa may Isabela banda, nagkasalisi kasi ang mga nagmamaneho ng truck, baguhan pa naman yong isa kaya nawala. Hindi din namin ma contact kaya ikaw nalang ang pag-asa. Naka pila na kasi halos lahat ng tao. Pakihanap ito iho. Thank you very much please take care,call me if you finally see the truck. Don't take too long"
Ibinaba na ni ma'am. Ano bayan, dapat kasi yong ma alam sa daan ang pinamaneho para walang hassle.
"Anong sabi?"
Iniliko ko naman ang kotse patungo sa Isabela.
"Ingat daw ako sa pagmamaneho, baka daw mapano ako. Pogi eh"
Huwag niya akong gawing story teller, kagabi pa ako pagod. Siya nga tong walang ginagawa.
"Tanda mo ang gas station nayon Weakling?"
"Hah? Oo syempre master, parati ko naman yang nakikita kapag napapadaan ako dito"
"Ay, wala ka nga palang malay noon"
May kung anong silaw ang sumalubong sa akin kaya bigla akong napa break. Shit. Ano yon? Umaga pa naman ah? Bakit parang ang dilim kanina? Parang may isang truck na papalapit?
Andiyan naba ang truck?
"Anong nangyari sayo?"
Napalingon ako sa may kaliwa ko, isang puno ng mangga.
Mangga?
------
" An ko..........mababangga tayo!"
"Ahhhhhhh!!!"
------
"Ahhhhhhhh!!!!!!!!!!"
"Hoi weakling, weakling?"
"Ahhhhh!!"
"Weakling ano ba!!!"
Para akong natauhan sa sigaw nayon.
"Wahhhhhhhh!!! Master may na disgrasya diyan"
Tinuro ko ang punong mangga
Tiningnan ni Master ang tinuro ko.
BINABASA MO ANG
Oh My Ghost
Mystery / ThrillerA Ghost without memories from a forgotten past that had been cage in a place where the only key for her freedom is someone who could notice her existence finally found the one, the one who bring more confusions, the one that boil the invisible blood...